Advertisers

Advertisers

Elias J. TV Band idedemanda ng manager.pag di nakipag-usap ng maayos; Kyle dedma sa intriga kay Piolo

0 11

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGSALITA na si Kyle Echarri tungkol sa mga naglalabasang tsismis tungkol sa kanila ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang naglalagay ng malisya sa pagkakaibigan ng dalawa.

Ayon sa binata, para na silang magkapatid ni Piolo at walang bahid ng katotohanan ang mga chikang naglalabasan sa social media, na meron silang something together.

Paliwanag ni Kyle,”I never really have to answer what the people say. Mali iniisip ng mga tao. Kapatid ko ‘yan. He is a brother, a best friend of mine.

“Kami, alam namin magkapatid kami. We are best friends.

“I have been asked this so many times. I know who I am. Kapatid ko ‘yan. He is like a brother to me. He has been a mentor to me for the past two years,”aniya pa.

Paglilinaw pa ng singer-actor sa pagiging close nila ni Papa P, “He came into my life at a very significant time when I was losing my sister. Ilan lang po nakaalam sa pinagdadaanan ko noon.

“One of the brothers that helped me out through the scenes na masakit at mahirap gawin dahil sa nangyari sa kapatid ko.”

At kaya rin naman naging close sina Piolo at Kyle, ay dahil ilang beses na silang nagkatrabaho sa mga serye, at magkasama sila sa ASAP, tuwing Linggo. May bago rin silang proyekto na malapit nang mapanood ng madlang pipol.

Natanong din si Kyle tungkol sa kanyang lovelife.

“Sa ngayon, I am taking my time building a relationship with myself, inner peace, and loved ones around me. Hindi kailangan meron ako agad,” sey pa ng binata.

***

HUMARAP sa press si Beverly Labadlabad, ang presidente ng Elias J. TV Band kasama ang kanyang lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio, para in-announce na ididimanda nila ang mga vloggers na naninira sa kanya, at pati na rin ang alaga niyang si Elias Lintucan Jr, ang band vocalist at content creator.

Ang dahilan naman ng planong pagdemanda ni Ms. Beverly kay Elias ay ang pagtanggap nito ng bookings/raket na hindi idinadaan sa kanya, to think na siya ang manager nito, na may pinirmahan itong exclusive contract sa kanya.

Isa sa mga ipinupukol na paninira ng vloggers kay Ms. Beverly ang diumano’y karelasyon siya ni Elias at nabuntis umano siya nito. Na ayon kay Ms. Beverly ay wala ‘yung katotohahan at parang kapatid lang ang turing niya kay Elias.

Sabi ni Beverly,”Actually bilang manager po, siyempre si Elias naman, tinanggap ko talaga siya bilang kapatid na. ‘Yun ang turing ko sa kanya.

“Bilang kapatid, yes! Pero bilang ‘yung mga kontrobersiya, hindi po ‘yun totoo, may asawa po ako. ‘Yung lahat ng nag-trending ngayon, hindi po mang-aagaw si Ms. Beverly,”

May ka-live-in si Elias, na sinasabing galit ngayon sa kanya, dahil nga sa pakikipagrelasyon umano niya kay Elias. Anong masasabi naman niya tungkol dito?

“Yun naman po,May pa lang, kasi nalaman ko na nag-start na pala na nageselos ‘yung partner ni Elias.. Minessage ko siya. Sabi ko sa kanya, baka meron kang time, upuan natin,. mag-usap tayo.

‘Yun na, nagkita kami sa Cebu. Sinabihan ko siya na trabaho lang talaga, may asawa ako.

“Pero yun nga lumala pa rin. Selos pa rin nang selos.

“Sa akin naman kung anong problema, dapat upuan natin. Huwag na natin hayaang lumala pa,”aniya pa.

Kung sakali raw makikipag-usap/ makikipag-ayos si Elias kay Ms. Beverly ay hindi na nila itutuloy ang pagdemanda rito.

Well, sana nga ay magkaayos pa rin sina Elias at Ms. Beverly.