Advertisers
NITONG mga nakaraang araw mabilis na nag-ingay si Governor Humerlito “Bonz” Dolor kaugnay sa mga diumano’y substandard na proyekto sa Oriental Mindoro tulad nang river protection dike sa Mulawin sa bayan ng Naujan kung saan may ilang bahagi dito ang bumigay subalit marami ang nagtaas ng kilay bakit ngayon lamang kumilos ang punong lalawigan samantalang matagal na pala ang problema ito at alam ng mamamayan na may korapsyon dito.
Ang siste para umanong nagulat si Gov Dolor sa kanyang mga natuklasang substandard na proyekto na piling umanong inosente?
Ayon kay Dolor noong 2023 – 2024 pa umano siya nagpadala ng reklamo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa kalidad ng dike subalit sa kabila nito ay wala siyang ginawang hakbang upang maimbestigahan ang naturang proyekto.
Sa ilalim ng Local Government Code, may tungkulin ang gobernador na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan. bagama’t wala siyang direktang kapangyarihan na ipatigil ang isang national project, subalit maari niya itong paimbestigahan at maari ring siyang magrekomenda ng suspension sa DPWH at Commission on Audit pero hindi niya ito ginawa.
Dahil ba mainit ang isyu sa flood control anomaly na naging paksa sa State Of the Nation (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., kaya siya nag-iingay ngayon sa bay ang paninisi sa DPWH at mga contractor.
Ngayong natapos na ang proyekto at may ilang bahagi ang nasira dahil sa nagdaang mga bagyo ay bigla na lamang lumutang ang gobernador sa publiko na nagkokondena ng puro paninisi.
Kung talagang seryoso si Governor Dolor para sa kapakanan ng kanyang mamamayan, dapat noon pa siya kumilos dahil ang sinasabing palpak na protection dike na kanyang ininspeksyon kung saan hinarang siya ng guwardiya ay abot tanaw ng mga mata dahil nadadaanan niya ito araw-araw dahil siya ay residente ng Naujan.
Hindi naman tama na ngayon lang mag-iingay si Dolor matapos masira ang dike sa may Mulawin.
Sinabi ng mga residente kung maagang inaksyunan ang reklamo noong 2023, malamang ay naisalba ang proyekto mula sa substandard na pagkakagawa. Bukod dyan, puwede sanang na-hold ang bayad sa contractor at na-review ang disenyo at kalidad ng materyales bago pa man ito natapos. Mismo!
Sa huli, malinaw naman na may pananagutan ang DPWH at mga kontraktor sa palpak at dispalenghado na proyekto. Ngunit hindi rin ligtas si Gov. Dolor sa tanong ng publiko dahil alam pala niya na noon pa man na may problema na pero bakit hindi siya kumilos ng mas maaga kesa putak siya ng putak sa TV at socoal media na piling inosente? Pwe!
P23M OVERPASS PROJECT SA CALAPAN CITY, MATATAPOS NA
Samantala naitayo na ang pangunahing pedestrian overpass project sa harap ng Mindoro State University (MinSU) sa Barangay Masipit, Calapan City na may taas na 5.18 metro na magsisilbing tawiran ng mga residente at mga estudyanteng pumapasok.
Sinimulan ang naturang proyekto noong Pebrero taong kasalukuyan at may budget na nagkakahalagang P23,838,505.12 sa ilalim ng pondong ipinagkaloob ng tanggapan ni Congresman Arnan Panaligan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa kasalukuyan, hindi pa kumpleto ang bahagi ng proyekto dahil lalagyan pa ito ng bubong at hagdan na inaasahang matatapos ngayong Oktubre.
Magsisilbi itong kauna-unahang pedestrian sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro na ang estimated budget dapat ay P30-milyon pero ni reduce ito dahil may mga unnecessary item na inalis kaya bumaba sa P23-M ayon kay Oriental Mindoro First District Engineer Salvador E. Abad.
Dun naman sa mga malilikot ang isip namay mga pagdududa sa naturang proyekto na nagpapakalat ng fake news maari kayong makipag-ugnayan sa tanggapan ng First District Engineer ng Oriental Mindoro upang maalis ang agam-agam at pagdududa dahil hindi kawayan ang itinatayong overpass. Period!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.