Advertisers

Advertisers

2 abortionist timbog sa Bulacan

0 10

Advertisers

Arestado ang dalawang babae sa isinagawang entrapment operation ng Bocaue Pulis habang nagsasagawa ng paglaglag ng sanggol o illegal abortion sa Brgy. Biñang, 2nd, Bocaue, Bulacan, 4:30 ng madaling-araw nitong Agosto 18 2025.

Sa report na tinanggap ni Bulacan PNP Provincial Director Col. Angel Garcillano, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jessa, 36, dalaga, residente ng Brgy. Biñang 2nd, Bocaue; at alyas “Tinay”, 20-anyos, dalaga, residente ng Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulacan.



Nabatid na nagsimula ang operasyon nang lumapit sa WCPD Section ng Bocaue MPS ang isang confidential informant at iulat ang ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Bago ang entrapment isinagawa muna ang surveillance sa lugar kung saan nag positibo ang timbre ng concern citizen.

Na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek, at nakumpiska ang iba’t ibang gamit pang-ginekolohiya at mga gamot.

Samantala detenido ngayon ang dalawa sa Bocuae Municipal Jail sa kasong paglabag sa RA 7392 Section 27 (Philippine Midwifery Act), RA 10354 (Responsible Parenthood and Reproductive Health Act), RA 3815 Articles 256, 257, at 258 (Revised Penal Code on Abortion), at Article II Section 12 ng 1987 Constitution.(Thony D. Arcenal)