Advertisers

Advertisers

CEZ @46: Kalusugan at serbisyo, alay sa Llbu-libong manggagawa at pamilya

0 4

Advertisers

Mas pinaigting pa ng Cavite Economic Zone (CEZ) sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang kanilang pagdiriwang ng ika-46 anibersaryo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “CEZ 2026 Medical and Dental Mission” para sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya sa Mayo 29, 2026.

Ayon sa pamunuan ng CEZ, bahagi ito ng patuloy na pagkilala at pagpapahalaga sa mga empleyado at industriya na naging katuwang ng economic zone sa pagpapaunlad ng ekonomiya at paglikha ng trabaho sa lalawigan ng Cavite at iba pang karatig-lugar.



Bukas na ang registration para sa nasabing medical at dental mission na magbibigay ng libreng medical check-up, dental services, health consultation, at health assistance para sa mga aktibong manggagawa ng PEZA-registered enterprises at kanilang dependents. Ipapatupad naman ang “first-registered, first-served basis” kaya hinihikayat ang mga kwalipikadong benepisyaryo na agad magparehistro.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pagbati ang iba’t-bang opisyal at stakeholders ng ecozone bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-46 anibersaryo ng CEZ.



Sa mensahe ni Unified Ecozones of the Philippines (Batang Ecozone) President Engr. Jerenato “Jerry” Alfante, pinuri nito ang pamunuan ng PEZA at CEZ sa patuloy na pagsusulong ng industriyalisasyon, pamumuhunan, at hanapbuhay para sa libu-libong manggagawang Pilipino.

Partikular niyang kinilala sina PEZA Director General Tereso O. Panga, at Cavite Economic Zone Administrator Atty. Ross Vincent S. Sy sa kanilang pamumuno at dedikasyon sa pagpapaunlad ng economic zone.



Ayon kay Alfante, patuloy ang CEZ na nagsisilbing mahalagang haligi ng pag-unlad ng industriya at ekonomiya sa bansa dahil sa malaking ambag nito sa paglikha ng trabaho, pagpasok ng pamumuhunan, at suporta sa lokal na negosyo.

Nagpahayag din ng suporta ang Unified Ecozones of the Philippines sa hangarin ng PEZA na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at matatag na kinabukasan para sa sektor ng manufacturing at export industry sa bansa.

Samantala, sinabi naman ng mga opisyal ng CEZ na isa lamang ang medical at dental mission sa mga programang inihanda nila bilang pasasalamat sa mga manggagawang naging bahagi ng tagumpay ng economic zone sa nakalipas na apat na dekada.

Inaasahan ding dadalo sa aktibidad ang iba’t-ibang partner agencies, volunteer doctors, dentists, at medical personnel upang masiguro na maayos at mabilis na maibibigay ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga benepisyaryo.

Sa loob ng 46 na taon, patuloy na kinikilala ang Cavite Economic Zone bilang isa sa pangunahing economic zones sa bansa na nagbibigay ng malaking ambag sa employment generation, export growth, at economic development.

“Mabuhay ang Cavite Economic Zone at mabuhay ang PEZA!” saad ni Alfante sa kanyang mensahe ng pagbati.