Official trailer ng movie ni Rosanna na ‘Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar’ naka-6M views sa loob ng 2 araw
Advertisers
Ni PETER S.LEDESMA
PANAHON ngayon ng mahusay na bagets director na si Darryl Yap. Yes, after pilahan sa takilya last year ang dinirek na “Jowables” na launching movie ni Kim Molina, pinag-uusapan naman ngayon sa social media ang latest project ng director na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na as of Jan. 11, 4pm in two days time ay humamig agad ang official trailer nito ng 6 million views, likes 148K, comments 15K at 49K shares (still counting) sa Facebook Page ng VinCentements at 172K naman ang views ng nasabing trailer sa Youtube channel ng Viva.
Pano naman hindi papatok eh, kwelang-kwela ang lahat ng eksena rito ng mga gumaganap na sex gurus na sina Rosanna Roces, Alma Moreno, Maui Taylor, at Ara Mina na pawang trainor ng mga baguhang gustong maging pornstar led by AJ Raval. Pinakamabenta ay ‘yung mga eksena ni Osang habang tinuturuan si AJ ng tamang acting ng pakikipagtalik, halinghing, hanggang sa orgasm.
Sa mga eksena pa lang nila nina Alma, Maui, at Ara ay tatawa to the max na ang manonood. Yes, maging si Ness ay bigay todo rin sa pinagawa sa kanya ni Direk Darryl sa sexy-comedy movie nilang ito na opening salvo ng Viva Films at VinCentements ni Direk Darryl Yap ngayong 2021.
Well, kung nagawang blockbuster ng batang direktor (Yap) ang Jowables ay siguradong tatabo rin ang Pornstar na ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang.
Samantala, malapit na ang contract signing ni Rosanna sa Viva Artists Agency at ngayong parte na ang aktres ng Viva Family ay may mga naka-line up agad na siyang malalaking proyekto sa said big movie outfit.
***
Maribel Aunor Tinatangkilik Pa Rin Ang Mga Sikat Na Awitin Sa Youtube, Daughters Na Sina Marion At Ashley May Kaniya-Kanya Na Ring Pangalan Sa Showbiz
During her prime ay naging prinsesa ng Alpha Records si Maribel Aunor na ngayon ay isa nang successful entrepreneur na CEO at Presidente ng sariling Manpower Agency na matagal nang nag-o-operate at maraming connection sa iba’t ibang bansa.
Yes, nasa GENSAN pa lang kami ay aming nasubaybayan ang kasikatan ni Maribel bilang isa sa miyembro ng “Apat Na Sikat” at ilan sa favorite naming hit songs ni Lala ay ang “Ah, Ewan” at “Never Gonna Fall In Love Again” na nang i-check namin sa Youtube ay nasa 125K ang views, ibig sabihin hanggang ngayon ay active pa rin ang fans ni Ms. Lala.
Sila ang hottest loveteam noon ni Arnold Gamboa na maikukumpara sa KathNiel ngayon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. At ‘yung talent ni Lala sa pagkanta ay namana nga ng kanyang daughters na sina Marion Aunor at Ashley a.k.a Cool Cat Ash.
In fairness, bukod sa pwedeng bigyan ng title na “Millennial Queen of Cover Songs” si Marion dahil sa rami ng ginawang cover songs ay hindi rin pakakabog si Marion sa mga kapwa singer na kumakanta ng themesong sa pelikula at teleserye. This 2021 ay si Marion ang napiling kumanta ng Viva Max para sa kanilang teleserye na ipalalabas soon. Ilang movie themesongs na ang ginawa ng said singer sa Viva Films at lahat blockbuster.
Si Ashley naman aside sa pino-promote na revival songs na Bonggahan, Iskul Bukol, at Laki sa Layaw, ngayong January 15 ay may bagong single na ire-release. Magkaiba ng genre ang magkapatid– si Marion ay isang versatile singer na kayang kantahin lahat at si Ashley naman ay rakista. Parehong pang mainstream ang dating ng Aunor sisters.