Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO ang sexy actress na si Divine Villareal na biggest break niya ang latest movie nilang ‘Bulong Ng Laman’.
Ang 20 year old na dalaga, na animo isang sariwang putahe ang awra ay katatakaman ng mga kelot kapag napanood ang kanilang pelikula.
Nagkuwento ang napakaseksing talent ni Jojo Veloso hinggil sa kanilang pelikula na mula sa pamamahala ni direk Tootoots Leyesa.
Pahayag ng aktres, “Kasama ko po sa movie sina Aiko Garcia, Lian Rosales, Marco Mora, at Mhack Morales. Mapapanood na po ito sa VMX app sa September 2.
“Sa movie, ako po yung babae sa tocador na magbibigay ng ligaya na hindi nararanasan sa iba ni Aiko. To the point po na kapag tumitig ka sa salamin ay ako ang inyong maaalala.”
Bakit Bulong Ng Laman ang title nito?
Esplika ng dalaga, “I think kaya tinawag na Bulong Ng Laman ito ay dahil sa kakaibang pleasure na ginagawa ng mga bida.
“Before po kase is “Tocador” ang title nito and now is pinalitan ng Bulong Ng Laman, I think kaya pinalitan po, sabi ko nga ay because of sa pleasure na ginagawa ng mga bida na talaga pong matindi. Kaya po hindi ito dapat palagpasin ng viewers,” nakangiting sambit pa ng magandang aktres.
Anong pelikula niya ang pinaka-sexy sa lahat?
“For me po, lahat naman ng movie na aking nagawa ay napaka-sexy talaga, pero itong bago ninyong aabangan which is yung Bulong ng Laman ay kakaiba po siya.”
Bakit niya nasabing kakaiba ito?
“Masasabi ko pong one of my biggest break po ito after ng “Kalakal”. Sa movie na ito po kasi ay maipapakita ang pagiging wild namin ng aking mga kasama.”
Pahayag pa niya, “Kakaiba po ang paraan ng pagpapa-sexy ko rito, kaya po dapat itong abangan.”
Ayon pa kay Divine, siya ang breadwinner sa kanilang pamilya at hilig talaga niya ang pag-arte kaya nagpursige siyang makapasok sa showbiz.
Kuwento pa niya, “Pagka-graduate ko po ng senior high, nag-focus muna ako sa pagmo-model dahil ako ang breadwinner sa amin kaya pinag-aral ko muna ang mga kapatid ko.
“Mayroon po kaming business dati, kaso nang nagkasakit ang father ko ay wala nang nagha-handle rito hanggang sa nalugi ang business namin.”
Sambit pa ni Divine, “Hilig ko talaga po ang maging artista at kapag nakakakita ako ng mga artista, naiisip ko na sana soon ay mabigyan din ako ng chance kahit maliit na role lang. Kaya happy ako na natupad na po iyon.”