Pwedeng-Pwedeng Maging Concert Princess… Maffi Papin Pabolosa Ang Birthday, Niregaluhan Pa Ng SUV Car Ng Mommy Na Si Imelda Papin
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Last August 16, super jampacked ang buong Grand Lounge ng Newport Resorts World sa rami ng dumalo sa First Birthday Concert ni Maffi Carreon-Papin na parte ng 2 In One celebration ng kanyang kaarawan at graduation, kung saan graduate ng Law ang magandang singer-actress-beauty queen. Bukod sa kanyang mga professor sa Philippine Cristian University at mga relatives sa side ng Mommy na si PCSO Board Directors head Imelda Papin ay nag-perform ang kapwa nila singers ng Mom na sina Darius Razon, Renz Verano, Lance Raymundo, John Nite, Kanishia Santos, Gary Cruz, Borj Papin at Gloria Belen na tita ni Maffi.
Lahat sila ay naghandog ng awitin for the well-loved birthday celebrant. Namataan din sa party si Kapuso actress Angelica Jones at mag-lolang Beth Jones at Angelo, controversial manager ni Elias J na si Ms. Beverly Labadlabad with famous vlogger Wilbert Tolentino, movie producer Mayor Marcos Mamay, Gabby Ramos na friend at favorite director ni Imelda, PCSO family at marami pang iba.
Pero ang highlight ng party ay ang concert ni Maffi na isang malaking rebelasyon noong gabing yun. Pano bukod sa mahusay siyang singer na namana niya sa kanyang ina ay magaling ding dancer si Maffi. Most applauded yung Lady Gaga number ni Maffi with her back–up dancers at yung biritan duet nila ng kanyang Mom Imelda ng “NEVER ENOUGH” ni Loren Alfred. Yes, hindi lang pang hugot song si Manay Imelda kayang-kaya rin talaga nitong bumirit ng kantang matataas ang tono. Pero ang talagang nagpaiyak at nagpasaya kay Maffi ay ang sorpresang Toyota SUV car sa kanya ng kanyang Mommy Imelda. Sa sobrang tuwa ay teary eyed talaga siya at nagbiro pa na once na maging isang professional lawyer na siya ay lahat daw ng sweldo niya ay ibibigay niya sa Ina,
para pang-travel nito sa iba’t ibang bansa. Para makabawi naman daw siya sa malaking gastos ni Imelda sa kanyang pagkuha ng kursong Law. Tawanan kaming lahat at touched sa mga sinabing yon ni Maffi. Grabe ang closeness ng mag-ina, kita at ramdam ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. At kitang-kita sa mukha ni Manay Imelda ang sobrang pagka-proud nito kay Maffi na pumapalakpak talaga siya sa bawat number ng kanyang daughter.
At sabi pa nito, “Anak, ang galing-galing mo. Pwede ka na mag-concert!” Well, super agree kami kay Manay Imelda at may ibubuga naman talaga si Maffi sa larangang ito at pwede pa siyang tanghaling Concert Princess kung kakaririn lang niya ito.
From all of us here in PFT, BELATED HAPPY BIRTHDAY, QUEEN MAFFI PAPIN.