Advertisers

Advertisers

Gen. Torre nag-leave

0 50

Advertisers

Naghain na ng “one month leave” si dating Chief of Police Gen Nicolas Torre nang sinabakin sa puwesto batay sa Philippine National Police (PNP).



Ayon kay Col. Randolf Tuano, Chef ng PNP Public Information Office, inaprubahan ng PNP Directorate for Personnel and Record Management (DPRM), ang leave ni Torre nang maghain o nag-apply ito ng leave simula Aug. 28 hanggang Septemeber 29 o halos 1 buwan.

Sinabi ni Tauno na ginamit ni Torre ang kanyang leave na mandatory, special privilege leave at service leave.

Nilinawa na opisyal ang unit ni dating chief PNP Nicolas Torre sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) at hindi sa office of the chief PNP bagama’t una ng nabalita na either sa office of the chief PNP o sa PHAU kaya noong Aug. 27 ang unit ni Torre ang PHAU ng DPRM.

“Ang ordinary proseso ng mga nasa PHAU nagre-report sila araw-araw, pumipirma sila ng attendance, ‘yun usual na proseso na according naman kay director Chinayog kung ano ‘yung proseso ng mga regular na nasa PHAU ganun din ang magiging proseso unless na magfa-file ng another leave choice naman ni sir Nic Torre,” pahayag ni Tuano.

Magugunit na sinabak si Torre sa puwesto nang hindi nito pagsunod sa inilabas na Napolcom resolution sa pagwawalang bisa sa ipinaputpad nito reshuffle sa ilang mga matataas na PNP official at pagbabalik sa mga orihinal nang mga inalias o inilipat nito mga opisyal .

Matapos na sibakin sa puwesto, hindi umano naghain si Torre ng early retirement sa serbiyo kayat’ nanatiling ang kanyang ranggo na 4 star General. (Mark Obleada)