Advertisers
Ni BETH GELENA
ISA na ring producer ng Batang Quiapo ang actress na si Julia Montes.
Nakipagsanib-pwersa na siya sa boyfriend na si Coco Martin para mas lalong mapaganda ang serye.
Napansin naming may kredito na si Julia as a producer last Monday, alongside Coco.
Enhance si Julia sa pagtutok ng mga bagong magaganap na episode lalo na ang action scenes.
Nag-eenjoy naman ang aktres na hindi malayong pumasok na rin bilang isa sa cast ng aksyon serye.
***
MARIS RACAL ACTION STAR NA!
MUKHANG itutuloy-tuloy na talaga ni Maris Racal ang pagiging action star?
Aniya: “Had so much fun shooting this ad!!”
Komento ng netizens: “Maris in her action star era. Gooo mhie”
“Ganitong ang may patungong magiging star queen not like iba dyn pilit ang action halatang d bgay but maris even simple acting. possing but very super star looking may ibubuga tlga darating din ang panahon it’s ur turn lalo na kay kathring”
“Wow, astig, ride the motorcycle
Thanks Vetress having MARIS Racal for Endorser congrats Godbless you both MarNiel”
Ayon sa isang commenter: “Bagay talaga sila ni DJ dahil parehong mahilig sa motorcycle”.