Advertisers

Advertisers

Charo isinusulong na maging DOT secretary

0 47

Advertisers

Ni Archie Liao

GAANO katotoo ang tsika na ipinu-push daw ng panukalang maging tagapamahala ng turismo o Tourism secretary si Aling Tindeng ng Batang Quiapo este si Charo Santos.

Siya raw ang napupusuang mamahala ng nasabing ahensiya.

Ayon pa sa tweet ng mga bubuwit, hindi raw satisfied ang Pangulo sa performance ng kasalukuyang nakaupo.

Kung pagbabatayan daw kasi ang datos noong unang tatlong buwan ng taon, bumaba raw ng 0.5% ang kabuuang bisita at bumagsak ng 2.42% ang bilang ng mga banyagang turista kumpara sa parehong panahon noong 2024, ayon sa opisyal na datos ng Department of Tourism.

Sumadlak din daw ang arrivals from South Korea ng 13.9% at ang mula sa China ng 33.7%.

Sa unang apat na buwan ng taon, patuloy ang pagbaba 0.83% overall at 3.2% para sa foreign visitors.

Lalo pang lumala dahil 34.4% ang pagbaba ng Chinese tourists at 18% ang pagbaba ng South Korean arrivals.

Dahil dito, may mga naglo-lobby na ang beteranang aktres at dating ABS-CBN President ang i-appoint na Tourism secretary.

Bukod sa hindi pulitiko, maganda rin daw ang track record ng dating MMK host na malawak ang karanasan sa larangan ng kultura at komunikasyon.

Bilang dating Presidente at CEO ng ABS-CBN, matagumpay din daw niyang pinamunuan ang isang media empire na may global reach, pinangasiwaan ang libu-libong empleyado at naglunsad ng mga kampanyang naging household names.

Sanay din daw siya sa malakihang operasyon, pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor, at maging sa paghahatid ng konkretong resulta kahit sa ilalim ng matinding pressure.

Hirit pa ng mga nagpu-push kay Charo, nakikita raw nila rito ang katangian ng tamang tao na hindi lang bihasang magkuwento kundi marunong magbenta ng ganda ng bansa at higit sa lahat may malasakit sa Pinas.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ng mga kinauukulan hinggil sa isyung ito.

***

Gigi de Lana ‘tiwalag’ na sa banda

NAPANSIN ng mga katkatera at sawsawera na wala nang ipino-post tungkol sa kanyang banda ang singer-actress na si Gigi de Lana.
Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na tumiwalag na siya sa kanyang grupo.
Hirit pa ng kibitzers, baka raw bet ng dating biritera ng Tawag ng Tanghalan na magsolo na.
Ito ang ilan sa komento ng netizens.
“maybe she’ll actually try to start her solo career. I hope it’s not too late though since the attention she gets lately is due to issues about her and her band”
“Kung like nya magsolo eh magandang path na tahakin nya eh sumali sa mga singing contests abroad..”
“Matagal na dapat sya nagsolo. Bibigyan na dapat sya ng break ng ABS may potential din sya sa acting kaso mas pinili pa nya yung banda nya. Ayun binan sya sa ABS”
Si Gigi ay naging leading lady ni Gerald Anderson sa seryeng “Hello, Heart.”
Naging biktima rin siya ng fake news na kumalat na naging karelasyon ni Ge.
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Gigi hinggil sa isyu.