Advertisers

Advertisers

“DAYAAN” SA BOC EXAM AT ‘SGL’ PERO ‘REGULAR ENTRY’

0 4,911

Advertisers

BAGO ang lahat, sinserong pakikiramay sa pamilya ni kasamang Usec. Joel Sy Egco at sa kanyang kapatid na si Jeff, sa pagpanaw ng kanilang minamahal na ina na si Madam Lilia Maguisa Sy Egco. May she rest in peace and in glory with the Lord.

Isa namang maingay na ‘Advance Happy Birthday’ kay Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na magdiriwang ngayong linggong ito. Magpagkan…ton ka naman, Comm. Ariel, hehehe!

Bagaman ‘soft-spoken’ “leon” si Comm. Ariel na hindi umaatras kapag hinamon o nainsulto, kaya tama ang naging desisyon nang mag-asawang Discaya na “ilutang” ang kanilang mga ‘luxury vehicles’ na hinahanap ng BOC.

Kung hindi kasi nila ginawa, magkakatotoo ang banta ni Comm. Ariel sa kanila na “sasakit ang kanilang mga ulo,” hehehe!

‘Yun nga lang, sa kabila ng kanyang mga pagsisikap na maibalik ang kredibilidad ng BOC, heto nagkaroon ng eskandalo sa ginanap na ‘Competency Based Written Examination (CBWE) para sa mga ‘customs examiners/appraisers’ (COO3) nitong Agosto 28/29 dahil sa isyu ng “dayaan” o ‘cheating,’ what a shame!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

May kuwestyon din sa sistema ng BOC sa pagtanggap ng mga aplikante. ‘Yun bang… kung wala kang ‘MBA,’ as in “May Backer Ako,” hindi papansinin ng BOC HR ang aplikasyon.

Isang taga-Davao ang nag-apply noong Pebrero para makasama sa ginanap na ‘examination’ noong Agosto pero hindi siya isinama ng BOC HR sa listahan ng mga kuwalipikado. “Kulang” kaya siya sa MBA?

Sa Subport naman ng Harbor Center, kahit umano mga kargamentong ‘SGL’ (Super Green Lane),‘regular entry’ pa rin ang pagproseso ng mga bataan ni Collector Erlinito Aquino?
Eh, bakit mayroon pa, para saan pa yang SGL?

Ang resulta siyempre ay ‘delay’’ sa paglalabas ng kargamento at kapag may ‘delay,’ alam mo na ang kasunod, Comm. Ariel, hehehe!