Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
WALANG keber na nagpahayag si Pokwang ng kanyang sentimyento sa nagaganap na katiwalian ng mga pulitiko sa bansa.
Ito ay nakapaloob sa kanyang magkasunod na stories na in-upload niya sa kanyang Instagram account.
Sa unang post ay ibinahagi niya ang tungkol sa isang news mula sa China.
Ito ay may kinalaman sa agri minister na nasentensyahan ng kamatayan dahil sa korapsyon.
Dahil dito, hindi napigilan ni Pokwang ang magkomento ng:”Ang Pinas, kailan kaya? Hmp! Asa pa?”
Hindi pa nakuntento rito ang komedyana at naglabas ng isa pang Instagram story na lalong mas nagpainit sa usapan.
Sa kanyang post, nagbahagi siya ng video ng isang binahang lugar sa Pilipinas, kasabay ng isang matapang na mungkahi na mayroong malalim na mensahe tungkol sa eleksyon.
Aniya dapat daw yata ay pag-isipan ng pamahalaan na ilipat ang araw ng eleksyon sa mga buwan na madalas ang pag-ulan at pagbaha sa bansa.
“Siguro mas maganda ilipat sa tag-ulan yung araw ng eleksyon para kapag bumaha, maalala niyo mga kawatan sa kaban ng bayan at wag iboto mga yan!”
May mga sumang-ayon naman kay Pokie na mare-remind ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong nangurakot at nagpahirap sa kanila.