Advertisers

Advertisers

SHUVEE GUSTONG MAKAUSAP SI MEME VICE; CHIE NILIHIS ANG ISYU KUNG BAKIT SILA NAGBREYK NI JAKE

0 12

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAKAPANAYAM si Shuvee Etrata ng TV Patrol kung saan si MJ Felipe ang nag-interbyu.

Nilinaw ng Kapuso actress-host ang mga lumang post at video na ibinahagi niya sa kanyang social media account na lumilikha ng ingay sa buzz online.

Na-deactivate na ng Kapuso actress na si Shuvee Etrata ang kanyang X (dating Twitter) account matapos makatanggap ng backlash sa mga muling lumabas na video at post.

Napansin ng mga netizens nitong nakaraang linggo na hindi na accessible ang account ng dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate.

Nang hindi na napanood si Shuvee sa It’s Showtime, espekulasyon ng netizens ay maaaring dahil daw ito sa kanyang mga lumang post tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN at sa video kung saan nagsalita siya tungkol kay Vice Ganda.

Naka-break umano si Shuvee, pero hindi malinaw kung sarili ba niyang desisyon o ginawa ng production team ng It’s Showtime o ng kanyang home network, ang GMA.

Nakapanayam ng TV Patrol ang Rising Star.

Aniya kay MJ Felipe, nagpaliwanag na siya tungkol sa mga lumang post.

Matatanggap daw niya ang mga kritisismo, ngunit ang mga komentong puno ng poot ay isang bagay na hindi niya kayang tanggapin.

Hindi raw niya maintindihan kung saan nanggaling ang lahat ng negativity na iyon.

Nilinaw niya na siya ay labag sa pagsasara ng ABS-CBN.

May post pa nga raw siya dati na naging cultural staple ang ABS-CBN para sa isang tulad niya na lumaki na nanonood sa network bilang avid fan.

Tungkol naman umano sa paggamit niya sa meme ni Vice tungkol sa shutdown, lumalabas na naging bad taste of humor ito para sa marami.

Gusto umano niyang kausapin si Meme tungkol doon.

Inamin niya na nakagawa siya ng ilang mga desisyon nung nakaraan, ngunit binigyang-diin niya na mas mabuting tao na ang kanyang pinipili para gumabay sa kanya sa tamang landas.
***
CHIE NILILIHIS ANG ISYU KUNG BAKIT SILA NAGBREYK NI JAKE

TILA imbyerna na si Chie Filomeno sa netizens dahil sa isyung break na sila ni Jake Cuenca at ipinagpalit umano niya ang aktor sa isang mayamang pamilya at isang negosyante ang guy.
Aniya, pagtuunan daw ng pansin ang kontrobersya sa pagkontrol sa baha at hindi ang pribadong buhay.

Sa kanyang social media ay ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya sa mga misplaced priorities sa pampublikong diskurso. Aniya, madalas daw ang mga tao ay nakikialam sa mga pribadong bagay habang ang mga isyu na nakakaapekto sa komunidad ay hindi gaanong nabibigyang pansin.

Hinimok niya ang publiko na tumutok sa mga paulit-ulit na problema tulad ng pagbaha, na patuloy na nakakaapekto sa maraming lugar sa panahon ng bagyo. Ang kanyang mensahe ay nagpahayag din ng mas malawak na panawagan para sa mapabuting imprastraktura para sa paghahanda sa mga sakunang darating sa bansa.

Aniya, “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakikialam ang mga tao sa pribadong buhay ng ibang tao kung may mas matitinding bagay, tulad ng flood control, opo diba?”

Komento naman ng issng netizen: “asus…ayaw mo lang pag-usapan ang isyu sa yo ng tungkol sa hiwalayan nyo ni Jake. Iniwan mo kasi siya dahil sa mayamang lalaki.”