Advertisers
HULA, HULA… Sino itong isang high-ranking official sa isang departamento ng gobyerno na siga-siga raw sa kanyang pwesto?
Ang nasabing Undersecretary ay madalas daw na hindi nagre-report sa kanyang opisina at hindi nagpapakita ng respeto sa kanyang superior at maging sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Sa madaling salita, siya ay maituturing na bastos.
Kung madalas siyang absent sa work, present naman daw palagi kapag may “accomplishments” at nagbibida-bida sa photo ops.
Kahit nga raw isang simpleng Zoom meeting ay ipo-post agad nito sa Facebook, ipagyayabang na may nagawa siya. May ilang pa-raid din daw siya na small time lang pero pinapalabas niya sa media na big time para mapunta sa kanya ang limelight. At kung may totoong accomplishments ay inaagaw naman niya ang credit sa kanyang boss at lumilitaw na parang siya na ang Secretary. Aray ko!
Palagi niya raw sinasabi na bata-bata siya nina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Al Tengco kung kaya wala raw makakagalaw sa kanya. Ganun?
Nahuhulaan n’yo na ba kung sino siya? Ang kanyang pangalan ay katunog ng isang sikat na kanta ng bandang Radioactive Sago Project kung kaya tatawagin natin siyang si “Usec. Baboy”.
Maraming seryosong alegasyon laban kay Usec. Baboy, lalo’t siya ang pinaghihinalaang source ng mga paninira laban sa sariling departamento, lalo na laban sa ilan niyang katrabaho na kanyang kinaiinggitan.
Malaki rin ang hinala na siya ang gumalaw para banatan sa media noong una ang kanyang mismong Secretary. Aray ko!
Kung totoo ang mga impormasyon tungkol kay Usec. Baboy, bakit nananatili parin siya sa pwesto?
Kaya hindi ba siya masibak-sibak ay dahil totoong pinuprotektahan siya nina Mel Robles at Al Tengco?
Nagtatanong lang po!!!
***
Ang privilege speech ni dating Senate President Chiz Escudero kamakailan laban kay dating House Speaker Martin Romualdez ay walang kalaman-laman, walang resibo o petsa manlang ng mga inaakusa niya kay Martin.
Oo! Parang ang mga impormasyon na sinabi ni Escudero ay parang galing lang sa testimonya ni Rolly Guteza, ang surprise witness kuno ni Sen. Rodante Marcoleta na nagsasabing nag-deliver sila ng male-maletang “basura” (cash) sa bahay nina dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at Romualdez.
Hindi katulad ni Sen. Ping Lacson, kapag nag-privilege speech ay detalyado, may mga resibo, may figure at talagang by the book ika nga.
Sa tingin ko nga parang pang-2028 ang privilege speech ni Chiz eh. May plano raw kasi itong tumakbong Bise ni Sara. Boom!