Advertisers

Advertisers

PSC-Batang Pinoy National Championships susugod sa GenSan

0 15

Advertisers

Handa na ang lahat para sa Batang Pinoy National Championships na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC), na gaganapin sa Lungsod ng General Santos mula Oktubre 25 hanggang 30.

Kabuuang 19,700 atleta mula sa 191 lokal na yunit ng pamahalaan (LGUs) ang makikipagkompetensya sa 27 na sports: aquatics-swimming, archery, arnis, athletics, badminton, basketball (3×3), boksing, chess,bike, dancesport, futsal, gymnastics, jiu-jitsu, judo, kickboxing, karate, muay, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, tennis, table tennis, taekwondo, volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.

“We are more ready than ever,” Wika ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Olivia “Bong” Coo sa press conference Huwebes sa Century Park Hotel sa Manila.

Si Coo, isang four-time champion sa buong mundo at miyembro ng World Bowling Hall of Fame, ang magsilbing project director ng Batang Pinoy, isang torneo para sa mga atleta na 17 taong gulang pababa.

Samatala, inihayag nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson John Patrick Gregorio, kasama sina Coo at mga Komisyoner na sina Matthew Gaston, Edward Hayco, at Walter Torres, ang tropeo ng pangkalahatang kampeon.

Inanunsyo ni Gregorio na ang mga premyong nakataya ay PHP5 milyon (first prize), PHP4 milyon (second), PHP3 milyon (third), PHP2 milyon (fourth) at PHP1 milyon (fifth).

Pasig City ang nagwagi ng overall title sa 2024 edition na ginanap sa Puerto Princesa City, Palawan.(Jeff Venancio)