Advertisers

Advertisers

Vintage time!

0 17

Advertisers

Sa lahat ng nag-cover ng PBA sa telebisyon ay ang Vintage Enterprises ni Carlos “Bobong” Velez ang masasabi nating pinakamalikhain sa pag-ere ng pro league.

Nagumpisa ang kumpanya taong 1978 sa pamamagitan ng pag-organisa ng Dream Games sa pagitan ng Ateneo at La Salle.

Dekada 80 at 90 sila nabigyan ng TV rights at pinagbuti nila ang trabaho.

Bago ang Vintage ay nandiyan ang Production Specialists ni dating Cong Romy Jalosjos at ang RPN 9 ng mga Benedicto.

Unang ginamit ng pangkat ni Velez na carrying station ang BBC 2 tapos naging MBS-4.

Ilan sa mga innovation ng Vintage ay ang mga feature sa halftime gaya ng Burlington Basketball Tips ni Norman Black. Tumagal ang cage instructionals on air ng limang taon at nagwagi pa ng pagkilala galing sa Catholic Mass Media Awards.

Sina Bobong din ang nagsimula sa atin ng play by play announcer na sinasabayan ng analyst. Dati sa deadball at break lang ang taga-analisa nakakapagsalita.

Eka ni Pepeng Kirat. “Mas naiintindihan na natin ang game sa gantong sistema ng broadcast.”

May Man-on-the-Ball na taga-interview sa sideline. Una si Jun Bernardino na naging Commissioner. Sinundan siya ni Romy Kintanar.

Sina Pinggoy Pengson na nag-imbento ng terminong “cardiac game” at Sev Sarmenta ay sa panahon ng Vintage nakilala.

Noong 1999 ay nabili ng Viva TV ang VEI at sila nagpatuloy ng PBA coverage.

***

Yung pinakagrabeng pinsala sa lindol sa Cebu ay ang lugar kung saan isinilang si Gabriel “Flash” Elorde.

Ito ang siyudad ng Bogo na may layong 98 na kilometro pahilaga mula kapitolyo ng probinsya.

Ipinanganak noong ika-25 ng Marso 1935 ang sikat na boksingero sa dekadang 60.

Dapat 90 an?os na ang Pinoy champ kung nabubuhay pa.

Ang Elorde Center sa Sucat, Paranaque na legacy niya sa mga kababayan ay nananatiling operational.

***

Sa ika-11 ng buwang kasalukuyan ay gaganapin na muli ang mga game ng UAAP sa Ateneo Blue Eagle Gym.

Bagong renovated ang palaruan na may seating capacity na 7, 500.

Air-con na ito ngayon kaya matutuwa na mga bibili ng ticket para manood.

Kinumpirma ng ating source sa Loyola university na nagamit na iyon sa kanilang graduation ceremonies at cheer rally kamakailan.

Natatandaan ni Pepe na noong 70s ay required silang pumunta doon para mag-cheer sa kanilang school team.

Sa halip ng P.E. na klase ay ang pagdalo sa mga laban sa UAAP ang kapalit.