Advertisers

Advertisers

Mayor Benjie B Magalong: Short but very significant ICI stint

0 2,217

Advertisers

“There’s no transparency!” ito ang nakakayanig na isiniwalat ni Baguio Mayor Benjamin Banez Magalong sa isang joint committee hearing sa Senado itong huling mga araw.

“Trust is the cornerstone of every institution”….mariing sinabi ni Magalong at maliwanag na maliwanag sa kanyang sinabi na hindi siya takot at hindi natatakot na harapin ang mga hunghang at kapalmuks na personalidad—pulitiko, pribadong kontractor, taong gobyerno maitawid lang ng matuwid ang mission and vision ng Independent Commission on INFRASTRUCTURE ng laban sa mga corrupt at plunderous active politicians.

Hindi matanggap ng binuong ICC ng opisina ni Pres. BBM ang mga sumunod na kaganapan simula ng si Magalong ay nasa ilang buwan pa lang na nagiimebestiga—na siya namang ultimong layunin kung bakit siya nahirang ni Bongbong Marcos sa paniwalang may integridad at maalab ang pagkamakabayan ni Benjie Magalong. Special Adviser and Investigator ang posisyong inalok sa kanya madali’t sabi.

Ang hinaing ni Magalong ay hindi kayang bunuin ng sino man kung ang lalim ng korupsyon ang paguusapan. Sa laki ng impluwensya na naglalato sa kaban ng bayan…para mo banggain ang mga taong nasa likod nito —BUHAY MO AT PAMILYA MO ANG KOLATILYA! Iyan ay tahasan kong sinasabi. Masama ang loob niya – kitang kita sa mga interview nina ading Jessica Soho at ilang pang topnotch gentleman at lady TV anchors. Ang pagiging “walang sinisino ng mga corrupt players ay isa sa mga major reasons” sa ganang akin, na siyang ikinagalit at ikinasuya na ni Magalong sa kabila ng walang tulog at walang pahingang ginugol niya para sa kapakanan ng ICI. Dagdag pa riyan ang sinasabing paulit-ulit ng isang tagapagsalita ni Apo Bongbong na umano’y CONFLICT OF INTEREST.

Tipong may mahiwagang kamay na nagpapatakbo ng corruption menace na ito, na hanggang nang si Magalong ay nasa unang mga araw pa lang sa ICI, at bilang isang de-kalibreng sleuth — me nabuo na sa kanyang utak na mga personaheng walang kaduda-dudang nakinabang sa kaban ng GOBYERNO! SINO SILA? NABUNYAG NA SA TRIMEDIA AT SOCMED! Lumalapit na sa pagkakakilanlang ng iba pang Major Players!

At dumating na nga itong hindi inaasahan ng maraming nag-aalab pa ang pagmamahal sa Inang Bayan—ang “pagbibitiw sa ICI ni Baguio City Chief Executive Benjamin B Magalong! Masaya ang ilang naghahangad na hablutin ang posisyon ni Benjie…eto na at naghahanap na sila ng pipeline to the President para “tumulong umano Kay Presidente”!?

Sabi ng maraming nakakakilala kay Benjie B Magalong : Hindi nila lubos na kilala ang pagkatao ni Mayor Magalong! Ako, bilang isang dati niyang kasama sa CIDG mula nang siya ay isama ni dating (General) Congressman Romeo Macusi Acop nang ang huli ay mahirang na Director ng CIDG, ay isang living witness sa disiplinado at mahusay na administrative officer na opisyal na ito na nagsilbing mind and heart of Acop’s CIDG battlecry: “We Are No.1 ! ” Na siya namang tunay — dahil “CIDG topped the coveted plum as Best National Special Operating Unit ng Philippine National Police” in those years (Acop’s era in CIDG).

Si dating CPNP Gen. Arturo Coronel Lomibao, na dati namin ding naging CIDG director ay walang pagdadalawang isip na ibinando ang husay at talino ni Benjie. Naging magkatuwang sila nang nuong araw mismong itinilaga si Lomibao bilang CPNP pumutok ang pagaalsa ng mga kapatid nating Muslim na pinamunuan ni Commander Robot sa Bicutan Jail sa Camp Bagong Diwa. Si Benjie ay commander nuon ng isang SAF Battalion at mahusay niyang personal na minaniobra-taktikal ang situwasyon para maapula ang “pinaka-madugong hostaging sa kasaysayan ng bansa na ikinasawi ng maraming PDLs na naipit sa bakbakan sa loob ng piitan. Ang insidenteng ito ay nabibilang na sa kasaysayan ng kabayanihan at katapangan ng Pambansang Pulisya.

Isa pang hindi nalalaman ng ating mga kababayan ang Mamasapano 44! Ito ang naganap nuon na masker ng 44 Special Action Force members ng PNP sa Mamasapano sa Mindanao nuong halos may 2 dekada na …. kung di ako namamali. Marami ang nagulat sa resulta ng imbestigasyon na ito na pinamunuan ni General Magalong—“without fear nor favor” inilahad niya ang pagkakasangkot ng maraming opisyal ng PNP at AFP at pati na ng pinakamataas na ehekutibo ng bansa — walang takot at walang kagatol-gatol na hinarap ni Magalong ang samu’t saring puna at batikos…isang katangiang ipinagmamalaki niya bilang isang sundalo at ulirang serbisyo publiko!

Hindi matatawaran ang talino, husay at tapang ng isang Benjamin Banez Magalong — isang manunudla…subukin ng ibig sumubok!!! (yan e kung mayroong may gusto)!