Team Asia puntirya ang back-to-back titles s Reyes Cup
Advertisers
DETERMINADO ang Team Asia na ipagtanggol ang titulo sa Reyes Cup na nakatakdang ganapin mula Oktubre 16 hanggang 19 sa Ninoy Aquino Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.
Ang dating kampeon ng mundo na si Francisco “Django” Bustamante ay magsisilbing non-playing captain ng Team Asia sa ikalawang edisyon ng torneo na ipinangalan sa alamat ng Filipino na si Efren “Bata” Reyes, na kilala bilang “Magician” at itinuturing na pinakamahusay na manlalaro ng pool sa lahat ng panahon.
“It’s an honor to be named captain here in the Philippines. The Reyes Cup means so much to our fans, and I will do everything I can to help our team defend the title,” Wika ni Bustamante sa news release Huwebes.
Pamumunuan ng Amerikanong si Jeremy Jones, nagwagi sa US Open 9-Ball Championship noong 2003 at US Open One-Pocket Championship noong 1998.
“I’m thrilled to be captain. We’re coming to Manila with one mission: to make history and bring the trophy back with us,” Wika ni Jones,na inilagay sa One Pocket Hall of Fame sa 2018.
Ang mga huling puwesto para sa kwalipikasyon ng manlalaro ay itatakda sa Hanoi Open Pool Championship (Oktubre 7 hanggang 12), kasunod ang mga pagpili para sa wildcard.
Itinatampok ng Reyes Cup ang format na 5-on-5, kung saan nakikipagkumpitensya ang mga manlalaro sa singles at doubles.