Advertisers

Advertisers

2 drug suspek tiklo sa buybust

0 15

Advertisers

ARESTADO ang dalawang drug suspects kabilang ang 29-anyos na babae nang makuhanan ng mahigit P200k halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police Acting Chief P/Col. Joey Goforth ang naarestong mga suspek na si alyas “Amo”, babae, ng Brgy. Pasong Putik, Quezon City at alyas “JR”, 41, ng Brgy. 178, Caloocan City.



Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas Amo kung saan dumadayo pa umano ito sa Caloocan para magbenta ng shabu.

Dinakip ang mga suspek 12:46 hatinggabi sa Pechayan St., Brgy 178.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 40 gramo ng shabu na may standard drug price na P272,000 at buy bust money.

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002 sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)