Advertisers
PINAHAHARAP ng Sandiganbayan 3rd Division ang mga doktor ni dating House Speaker Martin Romualdez upang tumestigo kaugnay sa kanyang kasalukuyang kondisyon.
Sa kautusan ng korte, pinasisipot sa pagdinig sa Huwebes, Setyembre 10, ang apat na doktor mula sa Cardinal Santos Medical Center.
Inaatasan din silang isumite ang resulta ng lahat ng kaugnay na medical examinations ni Romualdez.
Ito ay matapos sabihin ng kanyang mga doktor na nakararanas siya ng chest pain at may coronary artery disease at psychological anxiety.
Ayon sa mga doktor, maaaring malagay sa panganib ang kanyang kalagayan kung siya ay ililipat o ibibiyahe.
Tatalakayin sa pagdinig ang inihaing Manifestation of Hospital Confinement at Urgent Motion for Continued Hospital Confinement Under Custody ng dating speaker.
Inaatasan din si Romualdez na personal na humarap sa korte kung pahihintulutan ng kanyang kondisyon.