Advertisers

Advertisers

Sen. Lacson: Kiko Barzaga ginagamit sa “political agenda”

0 11

Advertisers

POSIBLENG ginagamit si Cavite Rep. Kiko Barzaga ng ilang grupo para sa kanilang pansariling “political agenda”.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson, sa kabila nai-post ng nakababatang Barzaga ang isang lumang litrato ni Lacson kasama ang mag-asawang Discaya noong Oktubre 1, hindi niya ito magagawa kung walang nagbigay sa kanya ng naturang larawan.

Nauna nang pinabulaanan ni Lacson ang mga larawan na lumabas kasama ang mag-asawang Discaya, at sinabing kuha ito noong panahon ng kampanya, bago pa magsimula ang imbestigasyon ukol sa mga kuwestiyonableng flood control projects.



Isang supporter umano mula sa Davao City ang sumama sa mga Discaya upang imbitahin siya sa isang political rally. Tinanggihan naman ni Lacson ang imbitasyon.

“As the saying goes, a picture paints a thousand words. Obviously, I didn’t know them before that photo was taken,” ani Lacson.



Layunin aniyang siraan ang Senate Blue Ribbon Committee na siyang nag-iimbestiga sa naturang isyu kung saan siya ang chairman nito.

“Ginamit nila si Kiko Barzaga, siya ang nag-post pero paano malaman ni Kiko Barzaga kung walang nag-feed sa kanya na malisyoso o malisyosa?” aniya.



Nagpahayag din ng simpatiya si Lacson sa ina ng mambabatas na si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga. (Mylene Alfonso)