Advertisers
Natagpuan ang isang bangkay ng lalaking inaalam pa kung sino na nakasilid sa isang drum sa Barangay Malala sa Datu Paglas sa Maguindanao del Sur nitong Sabado ng, October 4, 2025.
Unang natagpuan ng mga residente ng Barangay Malala ang drum na may bangkay na binalot ng tolda at nakagapos na maagap naman nilang iniulat sa mga barangay officials at sa Datu Paglas Municipal Police Station.
Inaalam pa ng ng mga municipal officials at mga imbestigador ng Datu Paglas police force kung sino ang naturang bangkay.