Advertisers

Advertisers

LABRADOR RESIDENTS MALILIBRE NA SA KURYENTE!

0 2,821

Advertisers

Bibilang pa ng ilang taon ay hahayahay na ang buhay ng mga residente ng LABRADOR, PANGASINAN.., ito ay sa oras na maitayo ang NUCLEAR POWER PLANT sa kanilang bayan at ang unang benepisyo ng mga residente ay FREE ELECTRICITY o hindi na sila pababayarin pa sa konsumo ng kuryente sa kanilang mga pamamahay.

Nitong nakaraang October 4, 2025 ay isinagawa sa TOWNHALL ng LABRADOR, PANGASINAN ang dayalogo hinggil sa kahalagahan ng NUCLEAR POWER na ito ang SOLUSYON sa napakataas na halaga ng bayarin sa konsumo ng kuryente.., at magiging daan ito para sa ECONOMIC DEVELOPMENT ng nasabing bayan na bukod dito ay magiging FREE ELECTRICITY para sa LABRADOR RESIDENTS.

“Hindi po tayo aasenso bilang isang bansa kung walang murang kuryente, kailangan po ang kuryente ay maging alipin natin at hindi po dapat na tayo ang magiging alipin ng kuryente dahil sa sobrang kamahalan at kakulangan nito,” pahayag ni PANGASINAN 2nd DISTRICT REPRESENTATIVE MARK COJUANGCO na nagsusulong ng NUCLEAR ENERGY at PRINCIPAL AUTHOR ng PHILIPPINE ATOMIC ENERGY REGULATORY AUTHORITY (PHILATOM) BILL.



Batay sa 2024 SOCIAL WEATHER STATIONS (SWS) SURVEY patungkol sa NUCLEAR ENERGY ay lumalabas na napakaraming mamamayan ang nais nang magkaroon ng NUCLEAR POWER NATIONWIDE kabilang na ang BATAAN na kinaroroonan ng PHILIPPINE NUCLEAR POWER PLANT.., yun nga lang ay nadismaya si COJUANGCO sa DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) dahil tinengga ang nasabing resulta at nitong September lamang isinapubliko.

“The survey proves what many of us have known along, the people want cheaper electricity and stable jobs that nuclear power can provide.., with nuclear power, Labrador can access the cheapest and most reliable electricity in the country down to P5/KWH. In fact, with the right framework, we can even extend free electricity for the people of Labrador. Imagine what that means; lower household bills, reduced farm and business costs and a stronger foundation for local industries,” pagpupunto ni COJUANGCO.



“Labrador is ready to embrace this opportunity. We welcome this initiative because it aligns with our vision of raising our local economy, improving infrastructure and uplifting the lives of our people. We are committed to working hand in hand with partners who share this vision of clean and sustainable energy,” pahayag naman ni LABRADOR MAYOR NOEL USON na naroon din sa dayalogo sina VICE MAYOR MELCHORA YANEZA at ang iba pang LABRADOR COUNCILORS.., na dinaluhan din ng mga residente para sa pag-alam sa kahalagahan at benepisyong makakamit mula sa NUCLEAR POWER.

“Nuclear energy is one of the cleanest, cheapest and more reliable energy sources available today. By embracing nuclear power, we can secure affordable electricity while reducing greenhouse gas emissions, ensuring that development comes hand in hand with environmental stewardship,” pagpapahayag naman ni PHILIPPINE NUCLEAR RESEARCH INSTITUTE (PNRI) DIRECTOR DR. CARLO ARCILLA.



“This is what ALPAS PINAS has always stood for helping Filipinos understand that nuclear energy is safe, clean and key to progress. What we witnessed in Labrador today is genuine excitement about how cheaper, more reliable electricity can transform lives and uplift the community,” pahayag naman ni ALPAS PINAS CONVENOR GAYLE CERTEZA na isang non-stock, non-profit organization na pangunahing nangangampanya ng NUCLEAR ENERGY bilang clean and sustainable source of power.

Mga ka-ARYA.., nasa proseso pa lamang sa pagpapatayo ng NUCLEAR POWER PLANT at ang BATAAN NUCLEAR POWER PLANT ay nananatiling nakatengga pa rin hanggang ngayon, na dapat ay ito ang unahing mapabuksan para mapakinabangan ng mamamayan; dahil ipinasara ito sa benggansa ni yumaong FORMER PRESIDENT CORAZON AQUINO na ang lahat ng ipinundar o naging proyekto sa administrasyon ng yumaong FORMER PRESIDENT FERDINAND MARCOS SR ay ipinagbabasura at ipinalit ang COAL ENERGY na nilalason naman ng usok nito ang hangin sa kapaligiran, ang mga ELECTRIC COMPANY na gumagamit ng mga gasolina at iba pang energy sources na may negatibong epekto sa kapaligiran ay dapat ibaling na ng gobyerno ang paggamit ng NUCLEAR ENERGY.

Yun nga lang ay marami sa ating GOVERNMENT OFFICIALS ang may mga pakinabang o nagsisilbing PROTECTOR ng BIG INDUSTRIAL COMPANIES.., na kung mag-ooperate ang NUCLEAR ENERGY ay siguradong hihina ang kita ng ilang LEADING INDUSTRIES kaya gagawa ng pamamaraan ang ilang LAWMAKERS na manatili ang industriyang kanilang pinakikinabangan sa paraang ang industriya nila ay makikisosyo o maging distributor pa rin sila sa asiste ng NUCLEAR POWER.., gayung dapat ay solo ng NUCLEAR POWER ang pagseserbisyo ng kuryente para siguradong mas mura lamang ang ELECTRIC BILLING FEES!

Isulong ang STAND UP FOR NUCLEAR.., walang makikisosyo para hindi madagdagan ang presyo ng kuryente at kailangang masupil ang POLITICIANS na pansariling interes lamang ang pinoprotektahan nila.. sa NUCLEAR POWER PLANT ay dapat suportahan ng CONGRESS at SENATE para sa pagpapakita kung sinseridad nga ba sila para sa kapakanan ng buong mamamayan na mapagaan ang gastusin o bayarin sa konsumo ng kuryente?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.