Advertisers
Inanunsiyo ng Malakanyang na inaasahang ilalabas sa unang linggo ng Nobyembre ang bagong polisiya na may kinalaman sa rice importation at farmgate price ng palay.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kasalukuyang pinag-aaralan ng Cabinet Level Tariff and Related Matters Committee ng Economy and Development Council (ED Council) ang mga isyung ito at maghahain ito ng kanilang rekomendasyon sa konseho.
Ginawa ni Castro ang pahayag kasunod ng deklarasyon ng Department of Agriculture (DA) na hanggang sa pagtatapos ng taon nila ipatutupad ang rice importation ban.
Sinasabing layunin ng naturang mga hakbang na mapangalagaan ang interes ng mga lokal na magsasaka habang tinitiyak na may sapat na suplay ng bigas sa merkado.
Bagaman walang tiyak na petsa, tiniyak naman ng Palasyo na prayoridad ng administrasyon ang balanseng patakaran para sa sektor ng agrikultura. (Gilbert Perdez)