Advertisers

Advertisers

Siraan man ng milyong beses ng bayarang trolls! Cong. Arjo Atayde, Mahal PaRin At Patuloy Na Pinagkakatiwalaan Ng Kanyang Distrito; Ria At Zanjoe Biktima Ng Grabeng Fake News!

0 17

Advertisers

Ni Peter Ledesma

Kaya pala walang tigil at sawa sa kaka-bash kay Cong. Arjo Atayde itong kanyang mga basher at trolls. Na halatang ang kanilang pakay ay malinaw na ibagsak at wasakin si Arjo. Well, may nakarating sa aking impormasyon na may mga nagbabayad raw ng 10 million to 15M para siraan at yurakan ang magandang imahe ni Arjo sa kinasasakupan nitong ikatlong distrito sa Quezon City. Imagine kung hindi ba sadyang planted na sirain ang nasabing actor-politician(Arjo) ay bakit sa 18 na bilang na governtment officials na sangkot raw sa DPWH flood control projects. Bakit si Cong. Arjo lang ang madalas o parating binabanggit ng mga super kapal na trolls na ‘to. At saka halatang bayad o nasa payroll sila, dahil wala silang tigil sa paggawa ng mga mapanirang balita sa nasabing kongresista at ang lalakas pa ng loob mag-post. Kasi ang pakay nila ay gumawa ng demolition job o black propaganda laban kay Arjo. May mga makakapal ring vloggers, na nakikisawsaw sa isyu. At parating ang content nila ay gawan ng sari-saring fake news si Arjo at Misis nito na si Maine Mendoza at pamilya Atayde. Ginagamit talaga nila ang Pamilya Atayde para makaakit ng viewers at dumami ang kanilang subcribers para kumita na sa mali namang paraan.

Saka pwede ba, bago ninyo husgahan si Arjo at pamilya nito. Better check your facts, first kung vaid o accurate ba ito o hindi? Grabe, ang paggamit niyo sa pamilyang ito. At hellow, bago pa po, naging Congressman si Arjo ay meron ng mga napundar na ari-arian ang pamilya Atayde also Arjo and Ria at nagmula sila sa old rich clan. At saka blessed sila sa kanilang mga career sa showbiz at naging mabuti sa kanila ang industriyang ito. By the way, noong nabubuhay pa si Mr Tony Calvento na kasamahan namin noon sa DWIZ, Aliw Broadcasting. Naikwento niya na sa akin ang mga Atayde at kaibigang matalik nito si Sir Art Atayde. According to Calvento ay mayaman na talaga at may mga negosyo si Art. So walang duda na may sinasabi na talaga ang pamilya ni Arjo bago pa pinasok ng actor ang politics at naging kongresista. Basta anumang pagyurak ang gawin ninyo kay Arjo. Marami pa ring mga nagmamahal sa kanya at patuloy siyang pinagkakaiwalaan ng mga kinasasakupang distrito 3 sa Quezon City. Kaya malaking Belatttt na lang ss mga basher at trolls na ito. Loud and Clear!



***

Super active, always ang mga hinayupak na Fake Vloggers. Grabe, na ang tama sa utak ng mga ito. Imagine, pati ang nananahimik na sweet couple na sina Ria Atayde-Marudo at Zanjoe Marudo ay bago nilang biktima. Na ginawan nila ng imposible at imbentong istorya at isyu! Sabi ng mga non legit vloggers, ay hiwalay na raw sina Ria at Arjo at ang rason daw ay lihim na pakikipag-relasyon ni Zanjoe kay Maine Mendoza at natuklasan raw ito ng galit na galit na si Ria? Super tanga naman talaga ng mga ito e, until now ay happy couple pa rin si Maine at husband si Cong. Arjo. At sina Ria at Zanjoe naman ay hanggang ngayon ay still, magkasama pa rin sa iisang bubong with their pogi and cute baby na si Sabino, na alagang-alaga ng mag-asawa. Hay naku, wala na talagang magawang tama ang mga mapanirant Vloggers, na maraming mga nabibiktimang artista at mga pulitiko! Tigilan niyo na ‘yan!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">