Advertisers

Advertisers

ZOREN AT CARMINA PROUD KINA MAVY AT CASSY

0 16

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Proud ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kapag nakikitang nagtatrabahong mabuti ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi sa GMA series nilang ‘Hating Kapatid’.

Lahad ni Zoren,“Well, very thankful na merong acting coach yung dalawa and prior sa mag-taping sila, meron na silang mga workshop na ginawa.

“So meron namang experience na rin si Maverick and si Cassy sa paggawa ng mga tapings, si Cassy sa movies.

“So yung trust ba, I just trust din na siyempre with prayers na kasama na, kasi iba yung soap ng hapon e.

“It’s really different. Iba yung atake diyan, iba yung energy, iba yung mga salita, yung wordings, ibang letra ng mga script diyan.

“So yun ang isa sa mga fear ko na baka hindi sila maka-cope dun sa language. But thankfully, kay direk and sa acting coach, they did very well kasi hindi nila alam kinakausap ko yung acting coach, ‘O kamusta, anong nangyari?’

“Ganyan and sinabi ko naman sa kanila ang direktor ngayon is different from the time na meron kaming direktor, kasi ngayon, ang direktor ngayon masarap kasama kasi they are open for collaboration sa artista.

“At naa-appreciate ngayon ng mga direktor once na meron kang creative na response dun sa script na logical at hindi ka nakikialam in a way, pumapayag ang direktor. “Kaya masarap ngayon gumawa ng pelikula at mga teleserye because nakaka-collab ka na sa direktor ngayon.”

Si Adolf Alix, Jr, ang director ng ‘Hating Kapatid’.

“Super proud. I am very, very proud,” bulalas naman ni Carmina. “Kasi ang madalas kong kaeksena si Mavy e, so yung iba talaga kapag napapanood mo na.

“So alam mo yung naiiyak ako na may goosebumps na hindi ko maintindihan, I’m such a proud mama. Kasi nakikita ko talaga yung hard work nila, kasi nakikita ko sa bahay pa lang binabasa na nila yung script nila, alam na nila yung story.

“Kakadating pa lang ikinukuwento na sa akin, ‘Ha? Hindi ko pa nababasa.’

“Sila nabasa na nila. So nakikita ko na they’re very kumbaga hands-on, hardworking. They’re very professional.

“Hindi sila nagte-take advantage na, ‘Hindi, saka ko na lang babasahin yan or pagdating na lang sa set’, or ‘Nandiyan naman sila Coach Jo at sina direk, e!’

“Wala silang ganun. They come prepared and I am so proud of that, kasi they’re very professional. Sorry kung mukhang parang binubuhat ko yung sarili naming bangko pero that was the question,” at natawa si Carmina. “No, but I’m really, really proud of them, kasi makikita mo talaga naka-highlight yung mga pangalan nila, yung lines nila.

“Pag nakita mo yung breakdown, naka-highlight na rin yung mga sequences nila and the production people can attest to that.

“They know their lines and siyempre bilang magulang at artista, parang nakakatuwa naman. Parang I did something good, I did something right.

“Kasi parang siguro nakikita nila how we are pagdating sa set, kasi iyon naman lagi yung sinasabi sa kanila, na maging professional talaga.

“Kasi, ano yan e, parang respeto mo yan sa lahat ng tao.”