Advertisers
INAMIN ni Judy Ann Santos na pangarap niyang magtayo ng mga maliit na paaralan sa kusina para sa mga gustong matutong magluto.
Sa kabila ng tagumpay bilang aktres, ina, at misis, aminado siyang marami pa siyang gustong matutunan bilang chef.
Sa media launch kung saan ipinakilala siya bilang bagong ambassador ng Kyowa, sinabi ni Juday, “My work could be as an endorser, a mom, a wife, or a chef. I take it as a challenge because I learn from it.”
Aniya, inspirasyon niya ang mga bagong ina at estudyanteng natutuwang manood ng Judy Ann’s Kitchen sa YouTube. “Gusto kong bumuo ng komunidad na hindi takot magluto at matutong mag-risk sa kusina,” dagdag niya.
Para kay Juday, ang pagluluto ay survival skill. Kusina pa rin ang takbuhan niya dahil ramdam niya ang katahimikan at saya.