Advertisers

Advertisers

SERBISYO NG DRRMO SA LAS PIÑAS TIYAKING LIGTAS ANG LAS PIÑEROS SA UNDAS 2025

0 13

Advertisers

WALANG tigil pa rin ang pagseserbisyo ng mga personnel ng Las Piñas City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), katuwang ang City Health Office, at Bureau of Fire Protection (BFP), para masiguro ang kaligtasan ng bawat Las Piñero na bibisita sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod ngayong November 1.

May mga naka-istasyon sa bawat sementeryo para tumugon at magbigay ng paunang lunas sa mga dadalaw na biglaang makararanas ng masamang pakiramdam.

Tiniyak naman nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Mel Aguilar na patuloy na nakatutok ang serbisyo publiko ng pamahalaang lokal upang manatiling maayos ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan partikular sa paggunita ng Undas sa ibat ibang sementeryo sa lungsod ng Las Piñas. (JOJO SADIWA)