Advertisers
Ni ANNE VENANCIO
Puyat at kulang sa tulog ang tiniis nina Seth Fedelin at Francine Diaz dahil sabay-sabay ang shooting ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins at taping ng teleseryeng Sins of the Father.
Mabilisang paligo at tulog sa sasakyan ang routine nila bago bumalik sa set.
Ayon kay Seth, kahit pagod, nakakapagkuwentuhan pa raw sila ng ibang mga cast: “Habang standby, nagkukwentuhan at nagkukulitan kami. Nakakagaan kahit punum-puno ang schedule.”
Sinabi naman ni Francine na mahirap sa pisikal at emosyonal, ngunit rewarding daw ang kanilang mga karanasan sa shooting. “Nakikita mo kung gaano kami ka-blessed dahil naaalagaan sa set.”
Thankful din ang dalawa dahil nabibigyan sila ng pagkakataong makapagbigay ng sariling ideya sa eksena na mas nakakatulong sa kanilang collaboration sa production.
Ito ang unang pagkakataon ng FranSeth na magbida sa Shake, Rattle & Roll kaya’t mas espesyal sa kanila ang proyekto.
Matapos ang tagumpay ng My Future You na entry last MMFF 2024, mas excited ang mga ito na muling ipakita ang kanilang talento at dedication sa pelikula ngayong festival season.