Advertisers

Advertisers

Bea Alonzo busy sa negosyo at lovelife, pahinga sa pag-arte

0 26

Advertisers

Ni ANNE VENANCIO

PAHINGA muna si Bea Alonzo sa paggawa ng teleserye ngayong taon dahil mas nakatutok siya sa kanyang mga negosyo at personal na buhay habang naghihintay ng tamang proyekto.

Huling acting project ng aktres ang ‘Widows’ War.’

At kung kailan siya babalik? “Kapag dumating na ang tamang proyekto,” Ani Bea. “Kapag nakita ko na ‘yung role na bagay sa akin, lalabas ako sa shell ko,” giit pa niya.

At kung ano ang plano niya sa 2026? pabirong sagot ni Bea, “Ang tagal pa noon! Hindi ko pa alam!”

Basta sa ngayon raw ay kalmado at masaya siya lalo na ang kanyang puso.

Nilinaw din ng aktres na hindi nagbago ang lifestyle niya kahit mayamang negosyante ang karelasyon niya na si Vincent Co. “Hindi naman nagde-depende ‘yung lifestyle ko sa partner ko.
Pinaghirapan ko ‘yung buhay na meron ako ngayon,” paglilinaw nito.