Advertisers

Advertisers

HINUBARAN ANG KATIMUGAN

0 2,340

Advertisers

Hindi makahulagpos sa pagsubok ang bansa sa labas pasok ng mga likas na kaganapan na pasanin sa maraming Pinoy. Subalit, ang maagang paghahanda sa likas na kaganapan ang dapat gawin ng ‘di maging labis na mapaminsala sa tao ang resulta na magaganap sa dadaang delubyo. Mahusay ang Pinoy sa mga maagang paghahanda sa anumang kaganapan higit sa maagang abiso mula sa kinauukulan sa uri at lakas ng mapaminsalang kaganapan. Walang hindi nalagpasang pagsubok ang Pinoy higit kung pagkakaisa ng lahat, ng tao’t ng pamahalaan. Ang lakas ng pagkakaisa ang likas na sandata ng Pinoy sa mga pagsubok, at ‘di umaasa sa tulong ng mapag-imbot na silip ang galawang pagsakay sa sitwasyon para sa sariling kapakanan. Silip ni Mang Juan ang mga abutan ng mga ayuda ng mga maepal na mga politiko….

Sa likod ng likas na kaganapan, nasilip ng isang mamamahayag ang nilulutong balakin sa larong agawang base na ibig ipalit ang bangkong opisyal upang tumao sa pagbabantay ng punong himpilan. Ang pagluluto’y tila isinalang sa panahon na ang Pinoy at ang pamahalaan ay abala sa pagsagka sa bagyo ng maibsan ang pinsalang dulot. Mabigat ang galawan dahil sa likod ng paghahanda sa delubyo ng bagyo at paglalatag ng mga balaking gagawin sa pagsasalba ng kung anong maisasalba heto ang mapag-imbot at nagluluto ng gagawin na sala sa kaganapan bansa higit ang pagbibigay ng serbisyo sa mga taong nangangailangan dahil sa tama ng bagyo. Sa totoo lang, ‘di malinaw ang layon ng nilulutong laro sa panahon na may pinagdadaanan ang tao at bansa na pagsubok mula sa kalikasan.

Uulitin, hindi mawatas ang layon ng grupong nabanggit ng mamamahayag ngunit sa mga ngalan na nailahad ganap na masasabing mula sa kaTimugan. At dahil mula sa mga mangmang ang ibig na magpalit at papalit, walang duda ang layon, ang makahulagpos ang kaTimugan sa mga usaping nasa kanilang harapan. Ang maagaw ang punong himpilan ang tanging paraan upang maabswelto sa usapin at ‘di maisasantabi sa liderato ng bansa tungo sa susunod na halalan. Ang mga naglabasang usapin higit ang mga korapsyon sa pamahalaan at sa tanggapang pinamumunuan ni Inday Gala ang layon ng pang-aagaw at matangay ng tubig baha na dala ng bagyo ng tuluyang maglaho. At, ‘di maaalis sa hangarin na harangin ang inihahanda o ang inihain na usapin ng dating senador na si SenTri laban sa paboritong kaibigan ng mga Tsekwang pasimuno ng shabungan na de-container na inalalayan ng dating taga-Aduana. Kilala ni Boy Tatto sa harap at likod ang mama.

Naganap ang pagluluto sa panahon na ‘di pansin ng Pinoy, ang salang galawan na mapait sa panlasa ng bayan sa dahilan naglilikasan ang tao sa laylayan tungo sa ligtas na lugar habang dumadaan ang bagyo sa bansa. Nakakasuklam ang galaw ng mangmang ng kaTimugan na sa panahon ng pananalanta ng bagyo sa bansa, ang pansariling layon ang gawa ng maiwasan ang usapin ng gawang korapsyon sa pamahalaan. Ganap na sala ang layon sa oras at galaw dahil walang kakampi ang ibig sumama na larong agawang base o ang maagaw ang punong himpilan ng pamahalaan. Higit sa panahon na ang mga tao na nasa mga kampo’ ay abala at tumutulong sa mga pagsagip sa mga kapwa Pinoy na nasadlak sa bagyong dumaan. Sa halip, tila ang mga kaTimugan ang nabulaga ng ilabas ang mga ngalan at ibunyag ang balakin at ‘di si Jun Singhot na patuloy na binibisita ang mga nasalanta ni Uwan.

Sa pagkakabatid ng balakin ng kaTimugan na agawin ang punong himpilan ng pangunahing tauhan ng pamahalaan, malinaw na nahubaran ang mga usapin na kinahaharap ng kaTimugan at ng ilang nabangit na mga ngalan. Walang personalan, panagutin ang maysala higit sa panahon na pagkakaisa ang ibig at pagtulong sa mga tao sa laylayan na ganap na nawalan ng kabuhayan ang dapat unahin at ‘di ang sariling layon. Ang agarang solusyon sa usaping kinahaharap ang tahakin ng kaTimugan at ang mapalitan si Jun Singhot ang pakay ng galawan. Ngunit, Mang Juan umasa na walang puwang sa puso ng kaTimugan ang dinadanas ng mga Pinoy na nakababad sa tubig baha. Ang karanasan na natanganan ang kapangyarihan ng pamahalaan sa nakaraan ang paraan ng malusutan ang usapin kinakaharap o kahaharapin. Malinaw sa kaTimugan ang salang gawa at ang maagaw ang pwestong minsang natanganan ang solusyong nakikita. Ang ‘di makapitang Kapitan ng pamahalaan ang tuwirang nagpapasikip sa ginagalawan mundo.

Jun Singhot, huwag ipagkibit balikat ang salang balakin ng kaTimugan at ng ilang tao na ibig makinabang sa salapi ng bayan. Abatan ang galaw ng mga ngalan na nabanggit na kilala sa galawang hokus pokus at ganap na tapat sa sariling layon at panagutin ng ‘di pamarisan. Unahin na isakdal ang mga utak o ang mga taong tuwiran ang pakinabang sa balak na pang-aagaw ng punong himpilan. Unahin, at panagutin sa mga hinaharap na usapin na inihain sa mga hukuman sa pandarambong sa bilyon bilyong usaping multong proyekto na ‘di namalas ngunit pinagkakitaan ng ilang opisyal at ni Mary Grace Piattos. Bulatlatin ang mga usaping pandarambong ng kapatid na tulak sa droga at ang utak ng nawawalang pondo na P51B na flood control na sinampa sa mga korte sa bansa.

Sa totoo lang, hinubaran ng baho ang kaTimugan sa paglalabas ng balakin sa pang-aagaw ng base ng mga dating kalaro na dating kakampi ni Jun Singhot. Lumabas ang kilos bago at pagkatapos ng bagyo na patago ng ‘di mapansin ni Mang Juan. Ngunit, lalabas at lalabas ang baho at ‘di makakaila na ang galawa’y tungo sa paglalayo ng usapin ng kaTimugan higit ang mga sabit sa mga salang galawan sa panahon ng panunungkulan ni Totoy Oblo. At patuloy na panlulustay ng salaping bayan ng walang pakinabang na abalang pangulo. Paki silip ang paggamit ng pondo na dumadaan sa tanggapan ni Inday Gala sa galawan na agawin ang punong himpilan ng Balite ng Malacanan.

Maraming Salamat po!!!!