Advertisers
Sa loob ng halos tatlong dekada, hanggang ngayon nananatiling buhay malakas at untouchable ang lantarang operasyon ng iligal na sugal tulad ng “color games at drop ball baraha” sa lalawigan ni Governor Sol Aragones.
Mga iligal na sugal na front ay Peryahan.na pinaniniwalaang pinondohan ng mga bigtime at kilalang indibidwal na alyas Judith, Jay, Rommel at Nelma.
Sa kabila ng mga ulat na umaabot na sa mahigit 400 mesa ng “color games at drop ball baraha” ang naglipana sa iba’t ibang bayan o siyudad sa lalawigan ng Laguna na matatagpuan sa Brgy Landayan San Pedro, Mamatid Cabuyao, Sto Domingo Biñan, Biñan Public Market, Green Villas Subdivision Santa Rosa, Tram Plaza Balibago at maging sa mga basinidad ng Star Mall, Target Mall at Victory Central Mall ng Santa Rosa, Laguna ay tila nagiging bulag at bingi ang mga lokal na pamahalaan at Laguna PNP.
Nasaan na nga ba si Laguna PNP Provincial Director PCol Junar Yupio, at mga.chief of police ng mga nabanggit na bayan o lungsod?
Hanggang kailan mananatiling tikom ang kanilang bibig at walang aksyon laban sa iligal na gawaing ito na sumisira sa kabuhayan at moral ng kanilang mga nasasakupan.
Hindi rin makakaligtas sa pananagutan ang kapulisan. Tulad nina Laguna Provincial Director PCol Junar Yupio, Biñan Police Chief PLtCol Allan Reginald Basiya, Santa Rosa Police Chief PLtCol Benson Pimentel, Cabuyao Police Chief PLtCol Randy Oliquino, at San Pedro Police Chief PLtCol Erwin Legayada, na may malinaw na mandato na sawatain ang lahat ng uri ng iligal na sugal.
Ngunit sa halip na pagkilos, tila may umiiral na katahimikan at pagpapabaya ang mga nabanggit na PNP officials.
Habang patuloy ang gabi-gabing operasyon ng iligal na sugal, dumarami naman ang mga nagiging biktima ng kahirapan, bisyo, at kriminalidad.
Kung tunay na may malasakit sa bayan ang mga nabanggit na opisyal ng kapulisan, panahon na para ipakita ng mga halal na opisyal at mga tagapagpatupad ng batas na hindi sila kasabwat sa katahimikan.
Sa Laguna, matagal nang umiikot ang pera ng color games at drop ball baraha — ngunit kailan pa kikilos ang mga dapat lumaban dito?
Tutukan natin ito!
***
Para sa inyong reaksyon at suhestiyon itext sa 0936-8625001/0939-7177977 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com