Advertisers
KINILALANG bayani ang isang binatilyo sa Liloan, Cebu nang isalba ang mahigit 50 katao na na-trap sa malawakang pagbaha noong bagyong Tino.
Halos buong araw nagsalba si Jayboy Magdadaro, 15 anyos, Grade 9 student, at anak ng isang municipal sweeper, gamit ang salbabida at maliit na bangko ng kamag-anak. Kabilang sa kanyang nailigtas ang mga bata, buntis, at matatanda.
Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan, binigyan si Jayboy ng full scholarship sa anumang kurso na pipiliin niya at P3,000 buwanang allowance mula kay Mabolo Barangay Captain Atty. Daniel Francis Arguedo. Ipinagkaloob din sa kanya ang isang plaque of recognition.
Nagbigay rin ng scholarship ang lokal na pamahalaan ng Liloan para kay Jayboy, habang ilang indibidwal ang nag-alok ng bagong damit at cellphone bilang pasasalamat sa kanyang kabutihang loob.