Advertisers
NASAWI ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang isang police lieutenant nang magbarilan sa mismong himpilan ng Provincial Explosives Ordinance Disposal and Canine Unit (PECU) ng Abra Police sa Casamata Hill, Zone 5, Bangued, Abra, Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Staff Sergeant O’Neal Ryan Calica, 30 anyos, taga-Pidigan, Abra; at ang hepe nitong si Lt. Jamieson Bulatao, 47, officer-in-charge ng PECU sa Abra Police at residente ng Baguio City.
At ang isa sa mga salarin ay kinilalang si Senior Master Sergeant Edwin Bandoc, mula sa Bontoc, Mountain Province na nakatalaga rin sa nasabing unit.
Sa ulat ng Abra Police, nangyari ang insidente 8:45 ng gabi sa tanggapan mismo ng PECU.
Ayon sa imbestigasyon, kadarating lang ni Calica sa kanilang tanggapan at habang nagsisipilyo ito ay biglang lumabas ng kuwarto ang superior nitong si Bulatao at nag-load ng bala sa kaniyang baril at pinaputukan ang una ng apat na beses na tumama sa kaliwang dibdib.
Nang bumagsak si Calica, sinunod iniumang ni Bulatao ang kaniyang baril kay Bandoc at pinaputukan, pero sumablay ito. Gumanti ng putok si Bandoc, nasapol si Bulatao.
Sina Calica at Bulatao ay kapwa isinugod sa Seares Memorial Hospital pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.
Agad namang sumuko si Bandoc sa Abra Police matapos ang insidente, iginiit na self defense ang kaniyang na-ging aksiyon dahil papatayin din siya ni Bulatao.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Brigadier General Randolf Tuaño, lumilitaw sa im-bestigasyon na nag-ugat ang barilan nang magalit si Bulatao nang isuplong siya ni Calica sa Police Regional Office dahil sa nagre-report sa trabaho at nagpapatrolya ng lasing ang na-sabing opisyal, kung kaya kinastigo ng nakatataas.