Advertisers

Advertisers

Mga sangkot sa flood control scam, sa selda magpa-Pasko — Marcos

0 52

Advertisers

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magiging masaya ang Pasko ng mga opisyal at indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan. Sa halip, aniya, makukulong ang mga ito bago pa man sumapit ang Kapaskuhan.

Sa isang press briefing sa Malacañang, mariing sinabi ng Pangulo na “hindi magiging Merry ang Christmas” ng mga sangkot sa katiwalian.

Dagdag niya, tapos na ang maliligayang araw ng mga opisyal na nagkamal ng yaman sa pondo ng gobyerno.



Binanggit ni Pangulong Marcos na tinututukan na ng mga kinauukulang ahensya ang mga kasong isinampa sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kabilang dito sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez, Jason Mendoza, at ang mag-asawang Discaya.



Ayon sa Pangulo, bahagi lamang ang mga nabanggit sa kabuuang 37 pangalan na nakalista sa imbestigasyon ng pamahalaan.

Ang mga ito aniya ay napatunayang may kinalaman sa iregularidad sa pagpapatupad ng flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.



Giit ni Pangulong Marcos, panahon na upang wakasan ang kultura ng katiwalian na sumisira sa tiwala ng taumbayan sa gobyerno.

Aniya, hindi dapat palampasin ang mga mapagsamantala, lalo na’t ang pondong nilustay ay dapat sana’y nakalaan para sa mga proyekto laban sa pagbaha. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)