Advertisers

Advertisers

ENRILE PUMANAW NA SA EDAD 101

0 53

Advertisers

PUMANAW na sa edad na 101 si Juan Ponce Enrile, na unang iniulat na naka-confine sa intensive care unit (ICU) dahil sa pneumonia. Tumatak sa marami ang kaniyang campaign slogan na, “Gusto ko, happy ka.”

“It is with profound love and gratitude that my father, Juan Ponce Enrile, peacefully returned to his Creator on November 13, 2025, at 4:21 p.m., surrounded by our family in the comfort of our home,” saad sa Facebook post ng anak ni Enrile na si Katrina.

“It was his heartfelt wish to take his final rest at home, with his family by his side. We were blessed to honor that wish and to be with him in those sacred final moments,” aniya.



“He dedicated much of his life to the service of the Filipino people. At this time, we humbly ask for the public’s understanding as our family takes a brief moment to grieve privately and honor his memory together in quiet and in peace,” ayon pa kay Katrina.

Inaayos pa umano ang detalye para sa burol ng nakatatandang Enrile para mabigyan ng pagkakataon ang mga nais na magbigay ng huling respeto sa namayapang opisyal.



“On behalf of our family, I extend our deepest gratitude for the overwhelming love, prayers, and support we have received during this difficult time. Your kindness means more than words can express,” sabi ni Katrina.

Bago pumanaw, nagsilbing chief presidential legal counsel ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Enrile.
Dalawang beses nagsilbing Senate President si Enrile sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.



Nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na kanyang inilarawan bilang isa sa pinakamatagal at pinaka-iginagalang na lingkod-bayan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pahayag ni PBBM, higit limang dekada naglingkod si Enrile sa pamahalaan at naging gabay ng bansa sa gitna ng mga panahon ng pagsubok at pagbabago.

Hanggang sa kanyang huling mga taon, sinabi ng Pangulo na nanatiling matalino si Enrile, malinaw mag-isip, at matatag ang paninindigan na ang batas ay dapat laging nakatuon sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang pagpanaw ni Enrile ay nagmamarka ng pagtatapos ng isang mahalagang yugto sa kasaysayan, subalit ang kanyang mga naiambag sa batas at pamahalaan ay mananatiling buhay. (Mylene Alfonso/Vanz Fernandez/Gilbert Perdez)