Advertisers
Inaanyayahan ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang lahat na makiisa sa Spoken Poetry Contest na inihanda ng Caloocan City Gender and Development Resource and Coordinating Office (GADRCO) upang palakasin ang suporta para sa karapatan ng kababaihan at mawakasan ang anumang pang-aabuso laban sa kanila, bilang bahagi ng 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Ipinahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na bukas ang nasabing contest sa mga Batang Kankaloo na edad 18 taong gulang pataas. At ang bawat kalahok, pinapayagan lamang na magpasa ng isang original entry na maaaring nasa English o Tagalog.
Kailangan ipasa ang recorded video, entry form, scanned ID ng contestant, at PDF copy ng spoken poetry sa https://bit.ly/CaloocanCitySpokenPoetryContest hanggang November 30, 2025.
Ang mapipiling first place magkakamit ng Php 7,000, habang Php 4,000 at Php 2,000 naman para sa 2nd at 3rd place.
At para sa karagdagang impormasyon, maaaring tignan ang mechanics na nasa mga ibinahaging larawan sa facebook page ni Mayor Along Malapitan.
“Sa tulong ninyo, sama-sama nating tapusin ang anumang uri ng pang-aabuso sa kababaihan at pahalagahan ang kanilang ambag sa ating lipunan,” wika ni Mayor Malapitan.(BR)