Advertisers
UMISKOR si Donovan Mitchell ng 32, nagkaroon si Darius Garland ng 20 sa kanyang pagbabalik sa lineup ng Cleveland, at humiwalay ang Cavaliers sa ikalawang kalahati para sa isang 120-109 na panalo laban sa Indiana Pacers sa isang NBA Cup game sa Cleveland.
Ito ang unang pagkikita ng mga koponan mula nang mapatalsik ng Pacers ang top-seeded na Cavaliers sa lima na laro sa Eastern Conference semifinals noong nakaraang season.
Nagdagdag si Evan Mobley ng 22 puntos at 12 rebounds para sa Cavaliers, na umangat sa 2-1 sa East Group A.
Nagtala si Andrew Nembhard ng career-high na 32 puntos para sa Indiana na madalas tamaan ng injury, na bumagsak sa 0-2 sa group play. Nagdagdag si Pascal Siakam ng 26 na puntos at siyam na rebounds at nakapuntos naman si Bennedict Mathurin ng 21 puntos.
Ang mga finalist ng NBA mula isang taon na ang nakalipas ay may rekord na 2-14 at kulang sa anim na manlalaro. Natalo ang Indiana sa siyam sa kanilang huling sampung laro.
Hindi nakalaro si Garland sa limang laro dahil sa isang pasa sa kaliwang hinlalaki na sumailalim siya sa operasyon noong Hunyo.
Ang dalawang beses na All-Star na point guard ay naglaro ng 26 na minuto at nakapuntos ng 18 points sa unang half. Natapos niya ang laro na 5 sa 12 sa field goals, kabilang ang tatlong 3-pointers, at nagawa ang lahat ng kanyang pitong free throws.