Advertisers

Advertisers

Kim Chiu ‘di makalimutan na niloko 15 yrs ago, NO sa balik-tambalan kay Gerald Anderson

0 66

Advertisers

Ni Anne Venancio

Muling umingay ang Kimerald fans matapos kumalat ang maikling video ng muling pagkikita nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa Star Magical Christmas 2025.

Sa video kasi, lumapit si Gerald para batiin si Kim, nag-beso saka umalis.

Pero ang mga Kimerald fans, nabuhayan ng loob. Daming edits sa mga socmed at tila hoping na magkaroon ng reunion project ang dating magka-loveteam.

Pero agad na pinutol ni Kim ang hype sa X. “Nakakaloka yung feed ko ah. Kung makapag-relapse akala mo talaga eh ‘di tayo niloko 15 years ago!!! hahahahaha char not char!!!!”

Pero ayon kay Gerald, kung may chance ay game pa rin siyang makipagtambal kay Kim.

***

Yassi Pressman dinenay na kasal na sa dyowang Kongresman

Mas lalo umanong tumibay ang relasyon nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte.

Pahayag nga ng aktres sa mga interbyu sa kanya, “Mahal na mahal ko si Luigi at ramdam ko sobra ang love niya for me. Ito ang pinaka-the best na pagmamahal na naranasan ko.”

Dinenay naman nito ang isyung nagpakasal na sila. “Hindi kami nagmamadali sa next step, at hindi kami nagpapaapekto sa mga negatibong comments.”

Giit pa niya, si Luigi ang best relationship na naranasan niya, hindi lang bilang supportive boyfriend kundi pati sa pagiging seryosong public servant.

***

Angelica Panganiban may dahilan kaya tinanggap ang pelikula tungkol sa annulment

Balik-arte si Angelica Panganiban matapos ang 4 taon pagtutok sa pamilya at sa pinagdaraanang sakit na avascular necrosis.

Bida ang aktres sa pelikulang ‘UnMarry’ na isa sa 8 entry sa Metro Manila Film Festival na tumatalakay sa masalimuot at emosyonal na proseso ng annulment.

Para kay Angelica, hindi ito ang tipikal na love story dahil simple lang ito pero malalim ang hugot. Hindi rin kailangang sumigaw ang eksena para ramdam mo ang sakit.

Aminado si Angelica na habang ginagampanan niya ang karakter ni Cindy, nauunawaan niya ang bigat na nararamdaman ng mga taong humihingi ng kalayaan sa kanilang relasyon.

“Kung may humihingi ng freedom dahil pagod na sa pinagdadaanan nila sa relasyon, sinusuportahan ko sila,” pahayag ng aktres.

Nilinaw naman ni Angge na taliwas ito sa totoong estado ng relasyon nila ng kanyang mister na si Gregg Homan dahil masayang-masaya umano ang kanilang pamilya.
“Hindi namin napag-uusapan ’yan sa bahay. Pero bilang karakter ni Cindy, kailangan kong intindihin siya at ang mga desisyon niya,” diin pa nito.

Ang ‘UnMarry’ ay mapapanood simula December 25.