Advertisers

Advertisers

Speaker “BOJIE” Dy III handang makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI!

0 55

Advertisers

Matatag ang naging pahayag ni House Speaker Bojie Dy bilang tugon sa iniulat ng tanggapan ng Ombudsman sa mga miyembro ng Kamara na kasalukuyang sumasalang sa imbestigasyon hinggil sa usaping korapsyon.



Base sa naging pahayag ng House Leader, Anuman ang mangyari, nananatiling nakatuon ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa tungkulin nitong maglingkod sa bayan. Ang pananagutan ay bahagi ng pagiging lingkod-bayan, at ang lahat ng miyembro—iniimbestigahan man o hindi—ay handang makipagtulungan sa anumang proseso habang patuloy na ginagampanan ang kanilang papel bilang mambabatas.

Bukod sa naunang pahayag ni Speaker Dy sinabi pa nito, Sa huli, ang kapakanan ng sambayanang Pilipino ang ating pangunahing prayoridad, at gagawin natin ang lahat ng kailangan upang paglingkuran sila nang tama at tapat.



Ngayong inihain ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang panibagong joint case referral sa Office of the Ombudsman, nananatiling matatag ang ating paninindigan.

Mula noong unang araw ng ating panunungkulan bilang Speaker, binigyang-diin natin na igagalang ng Kapulungan ang mandato ng ICI at makikipagtulungan tayo nang walang alinlangan sa lahat ng imbestigasyong nito. Naniniwala tayo na ang katotohanan ay hindi dapat ikinukubli at ang mga may pananagutan ay dapat managot. (Cesar Barquilla)