Advertisers

Advertisers

4 ‘terorista’ todas sa police ops

0 220

Advertisers

APAT na terorista ang nasawi nang makaengkwentro ang mga otoridad sa operasyon sa South Cotabato.
Kinilala ang mga napatay na sina Saadin Macabangin, Narjaid Macabangin, Baharan Macabangin, at Moen Macabangin, pawang miyembro ng Dawlah-Islamiya Maguid-Tadoy Group
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, 6:15 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng 41st at 42nd Special Action Company, Special Action Force sa Sitio Malo Jawe, Brgy. Basag, Tboli, South Cotabato.
Maghahain ng 3 Warrant of Arrest sa kasong 2 counts murder, direct assault at frustrated murder ang mga otoridad laban sa mga suspek nang magkaputukan.
Sangkot ang mga napatay sa pambobomba sa Gen. Santos City noong 2018 at pagpatay sa 2 police ng Polomok MPS, South Cotabato at armado ng matataas na kalibre ng baril.
(Mark Obleada/Gaynor Bonilla)