Advertisers

Advertisers

Dennis Trillo at Aga Muhlach tie bilang Best Actor sa 41st PMPC Star Awards

0 14

Advertisers

Ni Anne Venancio

Kinilala ang husay ng performance ng mga artista sa 41st PMPC Star Awards for Movies na ginanap noong Nobyembre 30 sa Makabagong San Juan Theater.

Si Gov. Vilma Santos ang tinanghal na Best Actress para sa kanyang pagganap bilang Lilia Capistrano/Eva Candelaria sa pelikulang ‘Uninvited’ ng Mentorque Productions at Project 8 Projects na idinirek ni Dan Villegas.

Si Dennis Trillo naman ang tinanghal na Best Actor para sa kanyang papel bilang Domingo “Dom” Zamora sa Green Bones. Alay niya sa lahat ng kanyang mga nakatrabaho at pamilya ang tropeyo. Tie sila ni Aga Muhlach para sa pagganap bilang Guilly Vega sa ‘Uninvited.’

Best Supporting Actress naman si Sunshine Cruz para sa ‘Lola Magdalena’ at Best Supporting Actor naman si Harvey Bautista sa ‘Pushcart Tales.’ Ang pelikulang ‘Uninvited’ ang tinanghal na Best Movie of the Year at ang direktor nito na si Dan Villegas ang nanalong Director of the Year.

Takilya King and Queen naman sina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang pagkilala sa P1.9 bilyong worldwide gross ng kanilang pinagbidahang 2024 blockbuster movie na ‘Hello, Love Again.’

Bilang pagpupugay sa kontribusyon sa industriya, ginawaran sina Alma Moreno at Ramon “Bong” Revilla Jr. ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.