Advertisers

Advertisers

HINDI KINAGAT

0 18

Advertisers

HINDI kinagat ang panawagan na magbitiw si BBM. Para ano? Para pumalit si Sara Duterte? Iyan ang labis na pinangangambahan ng maraming mamamayan. Hindi papayag ang mamamayan na basta humalili si Sara kay BBM. Pagpapatiwakal ito.

Kahit magtitili magdamag ang pangkat ng Davao City at grupong maka-Kaliwa sa panawagan na magbitiw si BBM, hindi matitinag ang sambayanan dahil mistulang pagpapakamatay ang mawala si BBM at pumalit si Sara sa kanya. Hindi papayag ang marami kasama na ang AFP at PNP na hahali ang may sayad at basagulera karakter tulad ni Sara.

Palasak na katwiran kasi na titiisin na lang namin si BBM kesa ipalit ang sira ulo na si Sara. May pasubali na baka kubkubin ng Tsina ang Filipinas dahil kilalang tagatangkililk ng Tsina ang pamilya Duterte. Hindi papayag ang bansang Filipinas na gawing lalawigan ng Tsina ang Filipinas kagaya ng ipinagmamagaling ni Gongdi noong siya ang nasa poder.

Kahit ano pa ang sabihin ng mga grupong maka-Duterte at maka-Kaliwa, binibigyan nila tayo ng pagkakataon na pumili sa pagitan ni BBM at Sara. Sino ba ang makakaunawa ng panukalang Transition Council na papalit umano sa panguluhan sa sandaling bumaba ang dalawang lider?

Wala. Tanging ang mga nagsasabi lang ng Transition Council ang nakakaalam kung anong uri ng hayop ito? Maraming tanong sa Transition Council at walang nakapagbigay ng tamang sagot. Ang tingin namin ay formula ito ni Sara upang mabilis niya maagaw ang kapangyarihan kay BBM. Hindi tanga ang maraming Pinoy para hindi maintindihan ang pakay niya.

Pinakamaganda na balewalain ang panukalang ito. Huwag na itong bigyan ng buhay at talakayin ito. Maraming dapat pag-usapan at wala tayong mapapalang kabutihan sa panukalang Transition Council.
*
ISA pang isyu na dapat pagtuunan ng pansin ang kaluwagan ng maraming netizen na bigyan ng platform ang mga nakakasukang karakter sa bansa. Iminumungkahi namin sa mga nilalang sa social media na huwag na huwag i-repost ang bawat sasabihin ng mga karakter tulad ni Joey Bondoc, Lito Barzaga, Martin Leviste, at kahit si Marissa Tiquia.

Sinasadya nila ang mga baluktot na katwiran at kakatwang sinasabi nila. Tanging pakay nila ay kagatin sila ng mga netizen na may sariling bait upang sa ganoon ay sumikat sila ng walang dahilan. Hindi sila dapat kinakagat sapagkat wala silang inaambag sa bayan.

Kapag hindi sila kinagat at kinarga, pawang mangangawala na sila. Hindi na sila sisikat na tulad ng inaasahan nila. Hindi na sila papansinin. Ang maganda ay huwag silang pansinin dahil kapag tuluyang binale-wala sila, tuluyan silang maglalaho sa sosical media. Ganyan lang kasimple ang solusyon sa kanila.
***
PAGLILINAW LANG: Hindi kinuhang abogado ng pamilya Duterte si Harry Roque. Walang ipinagtatanggol si harry Roque kundi ang sarili niya. Inakusahan siya ng qualified human trafficking sa hukuman. May ibinabang arrest warrant laban sa kanya. Sa kasalukuyan, kinasela ng DFA ang kanyang passport. May red notice rin siya sa Interpol.

Sa maikli, bagahe si Harry Roque kung gagawin siyang mananaggol ng pamilya Duterte. Kung ang sarili niya ay hindi maayos, paano niya ipagtatanggol si Gongdi na nahaharap sa hambambuhay na pagkakakulong sa ICC. Pinamagadanda na umuwi siya ng bansa at ayusin muna niya ang sariling asunto sa hukuman.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Kung adik daw si BBM bakit ang mga symptoms daw ay nasa mga Duterte.” – Casiano Mayor, netizen, dating mamamahayag

“DALAWANG netizen ang nagbigay ng magkaibang kahulugan ng ICC. Iyong una- Icuculong na siya. Iyong isa, isisi sa iba. Hihihi…” – PL, netizen, kritiko

“KAPAG sinabing Inferior Davao, sila ang mga lider na taga-Davao City na saksakan ng bobo. Sila iyong sobrang kapos sa dunong.” – PL, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@email.com