Advertisers
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines na suspendihin ang Conflict Disability Discharge (CDD) laban kay Army Captain Jerome Jacuba na nasabugan, nasugatan, at nabulag habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.
Giit ng Pangulo, hindi makatarungang basta na lamang iwan ang isang sundalong nag-alay ng buhay para sa bayan.
Kasabay nito, prinomote rin ni PBBM si Jacuba bilang major at inatasan si AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. na maghanap ng angkop na trabaho para sa opisyal dahil maaari pa itong maglingkod sa adaptive duties.
Bukod dito, inatasan din ng Pangulo si Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na muling pag-aralan at amyendahan ang polisiya na may kinalaman sa CDD.
Ayon kay Pangulong Marcos, dapat patuloy na kilalanin at suportahan ang mga sugatang sundalo bilang pagpapahalaga sa kanilang katapatan at sakripisyo para sa bayan. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)