Advertisers

Advertisers

Miembro ng big time crime group, patay; 4 arestado sa Cavite

0 82

Advertisers

PATAY ang isang suspek matapos na mang agaw ng baril habang apat pa ang arestado na mga pawang miyembro ng “Bigtime Criminal Group” na nag o-operate sa Region 2,3, NCR at CALABARZON sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operations ng mga tauhan ng Intelligence Section at Drug Enforcement Unit ng Bacoor Component City Police Station pasado alas siyete ng gabi nuon Huwebes, December 4, 2025 sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite.



Kinilala ang nasawi na si alyas “Boss”; at apat ang naaresto na sina alyas “John,” “ChristianPercival” at “Sheena,” pawang mga residente Nueva Ecija at Santiago City, Isabela.

Base sa report ng Bacoor Component City Police Station sa opisina ni PRO Calabarzon Regional Director P/BGen. Paul Kenneth T. Lucas, habang nagsasagawa ng imbentaryo ng ebidensya, dumaing ang suspek na si alyas “Boss” na luwagan ang pagkakaposas sa kanya subalit nang-agaw umano ng baril ang suspek at nagpaputok, kaya napilitang gumanti ang isang pulis. Nadala pa ang suspek sa ospital nguni’t idineklarang dead on arrival.



Narekober sa grupo ang 6 na sachets ng mga shabu na may bigat na 25 grams, at nagkakahalaga ng P170,000. kabilang ang buy-bust money, tatlong baril na may laman na mga bala, isang granada, tatlong hindi rehîstradong mga sasakyan, LTO plates, gadgets, damit, at iba’t ibang ID na pinaniniwalaang galing sa mga posibleng biktima ng pagnanakaw.

Nakakulong ngayon ang apat na suspek sa Bacoor City Custodial Facility habang inihahanda ang mga isasampang kaso sa korte.(Koi Laura)