Advertisers

Advertisers

SINGSON RESIGNS FROM ICI, REFUSES TO BE USED AS ‘ WASHING MACHINE” OF MALACAÑANG

0 234

Advertisers

Nagbitiw na bilang commissioner ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) si former DPWH Secretary Rogelio ” Babes” Singson dahil umano sa pagiging kangaroo commission ng ICI na itinatag para lamang proteksyonan laban sa accountability at pagkakasala ang mga tenants ng Palasyo ng Malacañang.

Ito ang sinabing rason ni Caloocan City 2nd District Cong. Egay Erice sa desisyon at dahilan na nagtulak kay Singson para layasan ang moro- morong mga pagdinig na ginagawa ng ICI patungkol sa infamous flood control projects scandal.

“Babes (Singson) refuses to be used as “washing machine” of Malacañang”, pagbubulgar pa ni Congressman Erice.

Una nang nagresigned bilang adviser/ consultant ng ICI si Baguio City Mayor Benjie Magalong makaraang ianunsiyo ng Malacañang ang pagkakatanggal ni Magalong prematurely bilang parte ng investigating arm ng ICI.

Pressures umano mula sa mga tao ni Marcos Jr. sa Malacañang at ang direktang pakikialam at dikta ni FL Liza Araneta Marcos,ang nagtulak naman kay Magalong para layasan din ang itinatag na (bogus) Commission.

Ayon sa iba pang sources,hiniling umano ni Singson kay BBM na maging independent ang ICI at magkaroon ng mga sariling abogado at fiscal na malayang mag-iimbestiga sa flood gate mess na hiwalay at Malaya sa dikta ng mga abogadong mula sa Department of Justice (DOJ).

Ibinulgar pa ng sources na ang imbestigasyon ng ICI sa ngayon ay naaayon sa dikta at patnubay ni Ombudsman Bondying,este Boying Remulla,dating Kalihim ng DOJ.

Ayon pa sa source,si Ombudsman Remulla pa rin ang nagpapatakbo at may kumpas at mando sa mga pagawain ng DOJ na malinaw na labag sa batas at isang talamak at garapalang pang- aabuso sa kapangyarihan.

Kung bakit ito kinukunsinti at hinahayaang makapangyari ni Marcos Jr., remains to be a big question mark!

Sobrang tibay ng mga Remulla sa administrasyong ito na garapal na at harapang pagmamanipula sa kapangyarihan ng estado.

Si Jonvic Remulla naman na may hawak ng DILG ang may full and absolute control sa mga lokal na mga opisyal at kapulisan.

Samantala, nakatakdang magbigay na pormal na pahayag si Babes Singson sa mga darating na araw para ipaliwanag sa publiko ang kanyang naging desisyon.

Sinabi naman ni Erice na posibleng inuutusan ni Bongbong Marcos si Singson na ilibre sa ano mang accountability sa naganap na korapsiyon at lantarang pagnanakaw sa pondo ng bayan sina dating Speaker Martin Romualdez, presidential son at Ilocos Norte 1st district Congressman Sandro Marcos at ang kanya mismong sarili.

Ayon pa kay Erice,naniniwala si Singson na hindi katanggap- tanggap ito sa galit nang mamamayan at ayaw na nitong magpagamit pa para sa isang grand cover- up na hindi na kayang sikmurain pa ng sambayanang Pilipino.

May ibinulgar din umano si Singson patungkol sa mga affidavit nina DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at District Engineer Henry Alcantara na pawang inasistihan at nirebisa ng mga abogado ng DOJ sa utos na rin ni Boying Remulla.

Malinaw na may ginagawang manipulation, coercion at direktang pagbalasubas sa batas at hustisya sa imbestigasyon ng ICI para itago at iligtas ang tunay na mastermind at ilan pang indibidwal na malapit sa mga Marcos at ibaon ang ilang personalidad gamit ang resources at mga tanggapan ng mismong pamahalaan.

Kung hindi pa kikilos dito ang military at kapulisan sa garapalan at katraydurang nangyayari laban sa taongbayan at sa bansa, it is safe to say at this point in time na malinaw na direkta ring kasabwat dito sina AFP chief of staff, General Romeo Brawner at PNP chief Gen Jose Melencio Nartatez.

Isa itong concerted, syndicated effort para babuyin at gahasain ang bansa at mamamayan segun sa kanilang walang kabusugang pagnanasa at pagkasakim sa kapangyarihan.

Hindi na ito hukbong sandatahan ng Pilipinas kundi isang bayarang private army ng mga Marcoses, Romualdez, Remullas at mga kaalyado nito na ang suweldo ay direktang ginagatas at kinukuha sa hilahod nang mamamayan.

Gumising na kayong mga SUNDALO at kapulisan.

Wag na kayong magpagamit pa sa mga opisyal n’yong ayahay at bundat sa kasaganahan mula sa nakaw na pera ng bayan!

Mas may dangal po kayo kesa sa inyong mga opisyal na pinaglihi sa pera!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com