Advertisers

Advertisers

7-anyos na lalaki may HIV sa South Cotabato

0 72

Advertisers

ISANG pitong taon gulang na lalaki ang naitalang pinakabatang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) sa lalawigan ng South Cotabato, ayon sa Integrated Provincial Health Office (IPHO).



Inihayag ni Disease Prevention and Control Unit chief John Arlo Codilla noong Huwebes na batay sa kanilang pagsusuri, hindi inborn o mula sa mother-to-child transmission ang naturang kaso.

Posible aniyang nagmula sa sexual transmission ang pagkakahawa. Kaya’t iniimbestigahan ang posibilidad na may naganap na pang-aabuso sa bata.

Nagpapaalala ang IPHO sa publiko na maging maingat, magpatingin at magpa-test kung kinakailangan, at agad humingi ng tulong o konsultasyon upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng HIV sa lalawigan.