Advertisers
Sabi nga sa kanta na may pamagat na ang Pasko ay Sumapit “at Magbuhat ngayon kahit hindi Pasko ay Magbigayan, ayan ha mga Ka Usapang HAUZ ang linaw magbigayan, pero iba sa Kaharian ni Quezon City Mayor Joy Belmonte?
May nakarating kasi sa kaalaman ng Usapang HAUZ na tila balewala ang sustansiya at ispiritu ng kapaskuhan dahil pinipili lang umano ang binibigyan ng pamaskong handog ng mga alipores ni Mayor Joy B.
Eto nga mga Ka Usapang HAUZ ang madalas sabihin sa ating mga Pinoy na favorite season ng nakararami, ang Pasko ay para sa lahat. Pero bakit parang ang Pamaskong Handog sa Quezon City, para sa pili lang alam kaya ito ni yorme Joy?
Kahit saang sulok ng Q, C ay mainit na pinaguusapan, pinupuna at reklamo ang naturang programa dahil sa samot-saring dahilan.
Madaling mabatid ang mga puna ng mga taga-Kyusi sa tila’y magulong sistema ng pamamahagi ng Pamaskong Handog. Mukhang bukod sa pagkain, may kasama ring libreng konsumisyon na dulot ng hindi makatarungang pagpapahirap para lamang makatanggap ng Christmas package.
“Hindi naman lahat makakuha yan pinipili lang nila ang tao na bibigyan ng stub yan. Kami nga lahat botante ng Quezon City pero hindi binigyan. Dinaanan lang ng namigay ng stub, napaka-unfair nila,” himutok ng isang hindi nakapila na hindi nabigyan ng Christmas basket.
“Hinanakit pa ng nakaranas na balewalain ng Pamaskong handog ng Q,C di rin maibibigay ang nakalaang regalo sakaling walang ma ipresinta na QC ID… pahirapan pa sa wala pang 300 pesos na laman.ano ba naman yan.
May suhestiyon ang mga hindi nakatanggap ng pamaskong handog na kung bakit hindi kaya na kung san naka tirik ang iyong bahay ay duon na lang ihatid, nagawa nga mag bahay bahay tuwing election dapat i house to house rin nila ang pamaskong handog.
“Dapat bahay-bahay na lang para siguradong lahat meron at di double double, paano taga holy spirit ka tapos Wala kang ID pero dun ka talaga nakatira edi di ka nila binigyan tapos sa mapupunta yung para sa bahay na yun.? Dapat bahay bahay na Lang talaga.” ayan po Mayor Joy Belmonte may suhestiyon para lahat magkaroon.
Mayor Belmonte Mam, Iyan ay ilan lamang sa mga taga-Kyusi na naglabas ng sama ng loob sa social media dahil sa selective at tila walang basehan na proseso ng pagpili. sana maaksiyunan agad ang problema habang may panahon pa.
Marami rin ang nagreklamo na kulang-kulang ang laman ng Christmas package na natanggap nila.Oh ha baka kinupit.
Susmaryosep, pati ba naman pa-grocery hindi ligtas sa dagdag-bawas?
Tunay nga namang magandang PR ang pagbalita na may isang milyong Pamaskong Handog bag ang nakalaang ipamigay para sa mga QCitizen.
Pero ayusin naman sana natin, Mayor Joy, para naman masigurong happy ang lahat at hindi nganga sa paghintay ng biyayang hindi naman pala darating, paalala lang po mayor.
Ang ganitong mga bagay, hindi lang dapat pang-PR lang. Dapat ay maramdaman mismo ng mga benepisyaryo ang magandang balitang ibinabandera ng pamahalaan.
Kaya mga Ka Usapang HAUZ, partikular ang mamamayan ng Q,C sabi sa kanta, At magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan di po ba tama Mayor Joy Belmonte?
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036