Advertisers

Advertisers

Mga ‘tulisan’ hiling ipagdasal sila

0 22

Advertisers

NAPAPAILING nalang ako rito sa mga dating politiko at opisyal ng gobierno na matapos mangulimbat sa kaban ng bayan at makasuhan ay hihiling sa taongbayan ng “please for me”.

Sino dating Senador Bong Revilla at Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ay nanawagan sa publiko na ipagdasal sila matapos umugong ang balita na maiisyuhan sila ng arrest warrant sa mga kasong katiwalian at kriminal.

Si Revilla ay isa sa mga kinasuhan ng Ombudsman sa kanyang pagkakasangkot sa multi-billion flood control project anomaly

Ayon sa mga dating opisyal at engineer ng Department of Public Works and Highways, si Revilla ay kumuha ng higit daang milyong peso na kickback sa ibinaba niyang proyekto sa DPWH noong bago ang 2022 national elections.

Hindi narin naman bago kay Revilla ang makulong. Dati na siyang nakasuhan ng Plunder at nakulong ng ilang taon noong panahon ni late President Noynoy Aquino. Pero naabsuelto siya sa kaso, ang chief of staff n’ya lang ang nadiin. Ngunit ipinababalik sa kanya ng graft court ang P125? mula sa ‘pork barrel’ niya na napunta raw sa… ewan! Ano na nga ba ang balita sa halagang ito? Naibalik kaya?

Si Roque naman ay nasasangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa Pampanga. Nahaharap siya sa mga kasong walang piyansa. Kasalukuyan siyang nasa kostudya ng mga awtoridad sa The Hague, Netherlands. Posible siyang i-deport pabalik dito sa Pilipinas.

Balik tayo sa kahilingan nilang ipagdasal natin sila. Aba’y bakit naman natin ipagdasal ang mga taong nagpakasasa sa taxpayers money, natin? Tayo na nga ang ninakawan, tayo pa ang magdarasal para maligtas sila sa kanilang pangungulimbat. Mga ulo!!!

Ang tamang gawin nating taxpayers ay ipagdasal na mabulok sila sa bilangguan, bawiin ang mga nakulimbat nila sa kaban ng bayan. Mismo!

***

HINDI na pinagalaw (freeze) ng Court of Appeals ang assets ng mag-utol na kongresista, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap at ng kanilang Silverwolves Cosntruction Corporation dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa flood control projects sa La Union.

Sa video report ni Pangulong “Bongbong” Marcos, ibinalita niyang kabilang sa na-freeze na assets ng mag-utol at ng kanilang kompanya ang bank accounts, properties at air assets.

Ayon sa Pangulo, kumamal ng P16 billion ang Silverwolves sa mga transaction nito sa DPWH mula 2022 hanggang 2025.

Talagang si PBBM na ngayon ang nagpupursige na mabawi ang lahat ng mga nakulimbat ng mga tiwaling politiko, negosyante at opisyal ng DPWH na gumagahasa sa pondo ng publiko.

Pramis ni PBBM, marami ang makukulong na tulisan sa kaban ng bayan bago mag-pasko. Abangan!