Advertisers
Ikinabahala ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nag bababa sa surge pricing cap ngayong holiday season.
Ang surge pricing o dynamic pricing ay bahagi ng itinakdang regulatory guidelines para sa pamasahe ng TNVS. dahil dito ay naka batay sa realidad ng ride hauling kung saan pabago-bago ang demand, kondisyon ng trapiko,pick up distance at operating costs sa ibat ibang Oras.
Ang biglaang pagbawas nito, lalo ngayon holidays,!ay direktang tatama sa kita naming mga nasa kalsada, sa gitna ng matinding traffic at mataas na presyo ng gas.
Ang surge fees ang isa mga mekanismong tumutulong panatilihing patas ang kita kapag mas mahirap at mas matagal na biyahe. Kapag binawasan ito sa panahon ng peak demand, mas maraming driver ang mapipilitang mag-offline sa high demand hours dahil Hindi sulit ang oras, pagod at gastos sa huli, mas mahihirapan ding maka kuha ng masasakyan ang mga commuters.
Nakipagpulong ang LTFRB sa aming community patungkol dito at may nabangit na may mga compensatory adjustments kabilang ang potensyal na dagdag sa pick up fares. Nagtatanong lang kami nasaan na po iyon?
Ang pagiging patas ay Hindi lang dapat para sa commuter dapat patas din para sa drivers na araw-araw lumalaban sa kalsada. Handa kaming makipag usap at makipag tulungan pero sana ang anumang mga pag babago sa pamasahe ay dumaan sa malinaw na konsultasyon at magbunga ng patas na solusyon para sa lahat. (Ernie Dela Cruz)